Noong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands:
Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disenyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.
Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.
Pero iba na ngayon. Kahit saan ka pumunta, may mga makakasalubong kang may suot na damit na ipinangangalandakan ang ating pagka-Pilipino.
Para bang bigla na lang, it’s cool to wear Pinoy. Hala, napapa-Taglish tuloy ako.

Nitong nakalipas na ilang taon ko pa ito napansin: Ang Artwork, may mga Bonifacio at Rizal shirts. Sa Greenhills, mayroong Jewels ba yun? Pinirata ng marami ang limited edition na Adidas track jacket na may disenyo ng watawat matapos itong ipagbawal dahil sa isang batas na tingin ko’y dapat nang baguhin.
Pero last year, naging todo-todo talaga. Naging matunog at na-feature pa sa Time ang Team Manila. Lalong napansin ang Kultura. Mabentang-mabenta ang Collezione Pilipinas collection.
Pati ang Bench at Penshoppe, nakisali na rin sa “I Am Ninoy” (sabagay, Bench model nga pala si Kris Aquino).
Siyempre, tuwang-tuwa ako.
Pero palaisipan din sa akin kung saan nagmula ang ganitong biglang pagsulpot ng pagkamakabayan sa pananamit. Dahil ba sa naging sobrang instant hit ang Adidas jacket? Dahil ba sa pamamayagpag nina Manny Pacquiao, Charice Pempengco, at Arnel Pineda sa international scene?
Hanggang noong nasa Singapore ako, pinag-iisipan ko yan lalo na’t may pailan-ilan akong nakakasalubong na mga kababayang nakasuot-Pinoy. Isang araw, habang nagtatrabaho, napadpad ako sa website ng FrancisM Clothing Co, na ang logo ay may tatlong bituin at araw mula sa ating watawat.
Taong 2005 pa lang pala, matapos makasama sa raket ang isang foreign clothing company, ay nabuo na nina Kiko ang konsepto ng isang brand ng damit at ng kompanyang ang magiging misyon ay “to instill pride in our race and to Filipinize every corner of the globe.”
Kung gayon, sina Francis Magalona pala ang nagpauso — o kung hindi man, kabilang sa mga nagpasimuno — ng cool na cool na fashion na ito.
Pagbalik ko sa Pilipinas, isang lunch break ay sinadya ko ang branch ng X-Print sa Market! Market! Gusto ko na rin kasing magkaroon ng 3 Stars & a Sun shirt gaya ng kapwa blogger na si Jonas Diego. Pero pagdating ko roon, out of stock na raw sila. Ganoon din daw sa Trinoma branch nila. Bubuwelo muna kako ako.
Hanggang sa daglian tayong iniwan ni Francis M. At kung paanong napakarami ang naghintay para masulyapan siya sa huling sandali, sobrang humaba rin ang pila sa branches ng kanyang 3 Stars & a Sun.
Wala pa rin akong 3 Stars & a Sun shirt. Sabi ng isang nag-comment sa FMCC site may purple and yellow raw ng classic 3 Stars & a Sun shirt na gusto ko. Isa sa mga darating na weekend, pupunta kami ni M sa Broadway at makikipila.
Habang isinusulat ito, sigurado akong may kahit isang designer — taga-FMCC man, o Bench, o Penshoppe, o baka nga taga-RRJ — na nagpupuyat para maperpekto ang isa na namang disenyong Pinoy para sa mga ibebenta nilang damit.
Hindi na ako nagrereklamo.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 24, 2023
NAFA presents Southeast Asian Arts Forum 2023
The forum is a continuation from last year’s sustainability-centered theme.
June 26, 2023
Luis Fonsi named godfather of Norwegian Viva
The “Despacito” singer will perform and bless the ship in Miami on Nov. 28.
February 22, 2023
The Impact of Industrial IoT and AI in Aerospace
Here is how industrial IoT and AI are changing the aerospace industry.
ayos to:) realtalk si kiko talaga nagpauso ng makabayan shirt 🙂
#rip master rapper
hai gusto ko talaga ang mga design ni francis m.
Astig di ba?
Napansin ko nga din ang pag uso ng Pinoy-themed na kasuotan at nakatuwang isipin na dumadami ang nagsusuot ng kanilang Pinoy pride. Sana magpatuloy nga ang ganitong movement at balang araw hindi lang mga disenyo ng damit ang mapagmamalaki natin kundi yung mismong bayan natin. yehey! 🙂
noees last blog post..Vote for my pic please
nakakatuwa ang pagkalat ng mga ganitong kasuotan.
proud pinoy, ika nga.
ngunit sana lamang naman ay huwag na tayong mamirata ng mga gawa ng kapwa natin pinoy.
pwedeng pwede naman tayong umisip ng sarili nating mga makabayang disenyo kung kaya at gusto natin.
siyetehans last blog post..Kapuso, Kapamilya, Katawa-tawa
gusto ko din ng 3 Stars and Sun shirt! saan sa Broadway yan nabibili at magkano? at saan pala ang Broadway? 😀
the scuds last blog post..Scud’s Travels: Bantayan Island, Cebu
Naku, hindi lang ako sigurado kung may pusa nga, hehe. Oo nga, sana mag-expand pa ang negosyo nila, para magkaroon sila ng mga designs para sa lahat ng bayan sa Bulacan. 😉
Me-anns last blog post..quarter pounder, payong, biyaya
Uy, asteeg yang pambansang.com, ah. Gusto ko yung may Plaridel. 🙂
Oo, naalala ko yang pusa. Pero, di ba meron naman talaga? :p
Sayang, kasi dito sa Canada (Toronto at least), wala akong nakikitang Filipino stores na nagbebenta ng t-shirt na makabayan. Nag de-depend na lang sa mga uuwi ng Pinas para bumili mismo sa Pilipinas. Pero alam nyo, yung ibang lahi (tulad ng Jamaicans, British, etc.), ang gaganda ng mga designs nila na talagang masasabi mong sumasalamin ng kanilang kultura. Tulad ng mga Bob Marley hats at bags, mga flag colors ng Jamaica na nilalagay maski sa belt at hats nila. Ang British flag bnaman kadalasan nasa t-shirts, bags, mga pullovers at cardigans, etc.
Magandang market ang Filipino designs dito. Sana sa mga may puhunan na gustong kumita sana magtayo ng Filipino dress shop dito na may mga disenyong Pinoy. Magandang business din, kasi tingnan nyo naman ang mga disenyo ng Tommy Hillfiger o Aeropostale o Hollister o yung mga medyo cheaper brands like Old Navy o La Senza, kumikita naman pero hindi kasing ganda ng disenyong Pinoy di ba?
Napag-usapan na din lang ang mga disenyong pinoy, may isang grupo ng mga gradweyt ng Bulacan State University ang nagtayo ng isang tindahan ng customized shirt. Ngayon, nakatutok sila sa pagdi-disenyo ng mga shirt na nagpapakilala sa mga Bulakenyo. Bisitahin ninyo ang Multiply site nila – http://www.pambansangdatcom.multiply.com
Ako rin ay bumili na ng shirt sa kanila. Nakatatak ang Barasoain Church at may katagang “Hanapin ang pusa.” ‘Di ba noong may sampung piso pang bill ay kumalat ang joke na may pusa raw sa Barasoain Church at kailangan mo itong hanapin. Pero dahil hindi mo talaga makita, ang sagot pala ay nakaalis na ang pusa, ang tagal mo kasing maghanap. Hehe. 😉
Me-anns last blog post..quarter pounder, payong, biyaya
Ako rin, gusto ko ring bumili ng shirt sa FMCC. 😉 Tama ka, ngayon, araw-araw na lang yata ako nakakakita ng mga tao, sa bus o sa daan na maysuot ng shirt na ipinakikita ang pagka-Pilipino. Astig nga eh.
Me-anns last blog post..quarter pounder, payong, biyaya