Kinumpirma kahapon ng Jollibee ang usap-usapan sa Twitter na mawawala na ang burger nilang Champ. Walang ibinigay na dahilan ang Jollibee. Pero sinabi naman nito na laging may posibilidad na ang mga luma nilang produkto, gaya ng Champ, ay magbalik sa mga darating na panahon.

Ang Champ ang big burger ng Jollibee. Base sa old Facebook posts ng Jollibee, variant ng Champ ang Cheesy Bacon Mushroom burger, pati na rin ang gusto kong Amazing Aloha — ‘yong burger na may pineapple. Ibig sabihin kaya nito, mawawala na rin ang Amazing Aloha? Sayang naman. Sa bagay, sanay na rin tayong lulubog-lilitaw ito.

Pero sa kasaluluyang burger menu ng Jollibee, naroon pa rin ang dalawang ito, at sa halip na Champ ay Yum na ang tawag sa Cheesy Bacon Mushroom at Amazing Aloha.

Sa gitna ng pagkawala ng Champ, tiniyak naman ng McDonald’s na mananatili ang kanilang Big Mac.

Ayon naman sa blogger at Pinoy pop culture expert na si Elvin Luciano, Double Burger ng Tropical Hut ang “best alternative” sa Champ.

Hindi ako masyadong nababahala sa pagkawala ng Champ. Bukod sa kailangan kong bawasan ang meat intake ko, ang paborito ko talagang burger sa Jollibee ay ‘yong Regular Yum with Cheese. Gusto ko ito nang may hot sauce at ketchup. Inililibre ako nito noon ng pinsan kong si Kuya Reman kapag nagkikita kami sa Jollibee.

Ikaw, affected ka ba sa pagkawala ng Champ ng Jollibee?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center