Napag-uusapan ang mga burger dahil sa pagpe-phase out ng Jollibee sa kanilang Champ burger. Dahil diyan, naalala ko na naman ang masarap na McRice Burger ng McDonald’s.
Ito ‘yong burger na may beef o chicken patty tapos ang bun ay kanin na malagkit na may linga sa ibabaw. Manamisnamis na parang teriyaki ‘yong sauce, at may palaman din itong lettuce at violet na cabbage. Ang isang bentahe nito, puwede kang kumain ng rice burger kahit nasa sasakyan o naglalakad ka.
Para sa mga ‘di nakatikim noon ng McRice Burger, basahin ang article ng Philippine Star noong ipakilala ito. Ito naman ang McRice commercial ni Will Devaughn:
Dati ko pang inaasam na bumalik ang McRice Burger kahit tumaba kami dati sa kakakain nito. Paborito ko kasi ‘yong Beef Supreme variant. Hindi ako naka-move on sa pagkaka-phase out ng McRice (pati na rin ng Amazing Aloha, na ibinalik naman ng Jollibee):
Putris na mga fastfood yan! Tama ba namang i-phase out ng Jollibee ang Amazing Aloha at ng McDo ang McRice Burger? Sobrang bad trip!
— Ederic Eder (@ederic) October 14, 2007
Pero ‘di lang naman ako ang nakaka-miss sa McRice Burger. Pati ang cyberfriends kong sina Chuckie & Yen Dreyfus at Reggie Ramos, hinahanap-hanap din ang McRice ng McDo. Tingnan ang Twitter thread namin:
“@yendreyfus: Remember @McDo_ph's McRice Burger?” — OMG! I LOVE THIS!!! This is the reason why I gained 50lbs before! http://t.co/kzkkKPpi”
— Chuckie Dreyfus (@chuckiedreyfus) September 27, 2012
Ang blogger na si Kevin Pableo, naging paborito rin daw ang McRice Burger, at gustong makitang bumalik ito kahit sandali lang.
Narito pa ang ilang tweets sa nakalipas na taon na humihiling na ibalik ang McRice:
@McDo_PH kailan niyo po ibabalik 'yong McRice Burgers 🙁
— Danie @ ユラユラ (@sketchydanie) April 30, 2019
I miss their McRice Burgers too! I’d eat one every other day on my way home when I was in high school!
— Zoraion (@Zoraion) September 22, 2019
Noong ilabas ng McDo ang Flavors of Japan nila last year, dahil sa Teriyaki Samurai Burger ay naalala rin ng mga tao ang McRice Burger.
McRice burger pa rin. #BringBackMcRiceBurger
— ████ (@JadedOldCat) August 29, 2019
McRice burger pa rin. #BringBackMcRiceBurger
— ████ (@JadedOldCat) August 29, 2019
Meron din sa Facebook:
Puro nalang Twister Fries. Pano naman yung McRice Burger 😔
Posted by Jor-El Dubouzet on Sunday, August 13, 2017
MC RICE BURGER please
Posted by Randy Watson on Friday, December 13, 2019
Nakita ko naman ito sa Pinterest:
Sa isang events website, may nag-post pa ng “Ibalik ang ‘McRice Burger’ Protest Rally” sa Zamboanga. Ewan ko lang kung tinotoo nila ‘to.
Noong magbakasyon kami ni Myla sa South Korea, nakatikim kami ng rice burger ng Lotte, ‘yong fastfood restaurant na parang Jollibee nila roon.
View this post on InstagramBulgogi Rice Burger from Lotteria, South Korea’s Jollibee.
A post shared by Ederic Eder (@ederic) on
Ayon naman sa Yummy.ph, nakatakda daw magbukas ngayong buwan sa Robinsons Galleria ang MOS Burger ng Japan, na kilala rin sa kanilang rice burgers.
Pero siyempre, iba pa rin ang rice burger ng McDo.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.
May 30, 2024
Catch the magic of World of Frozen on Disney+
Two World of Frozen titles coming on June 7.