Bench, Jollibee naman sa I-Witness

Image from Bench | Hosted by Photobucket - Video and Image Hosting

Kanina, nang ihatid kami ng Kuya ni Mhay sa terminal pabalik sa Maynila, dumaan ang kotseng sinasakyan namin sa Jollibee sa tapat ng terminal, at ang kasama naming dalawang taong gulang na nakababatang kapatid ni Migmig ay napabulalas ng “Jollibee!”–pero siyempre, hindi pa buo ang salita. Sa tingin ko, ang Jollibee ang isa sa mga salitang may tatlong pantig na pinakaunang natututunan ng mga batang Pinoy, lalo na ng mga taga-lungsod.

Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee. Continue reading

High blood

Pagkatapos kong ma-publish sa Young Blood last month, high blood na raw ako ngayon. 149/90 yata. Tsk tsk, nag-aala-Camilo Sabio pa ako. Shet, nakaka-high blood talaga ang pulitika ( o ang pagsubaybay sa pulitika). Nakaka-high blood din ang imperyalismo at ang dala nitong 7-11 at McDo. Sabagay, pati pag-order sa Jollibee at paghihintay ng kanilang delivery, ganyan din ang epekto.

Panlasang Dayuhang Di At Home sa Jollibee

Sa amin sa Marinduque, kapag may isang taong nagpipilit na gawin ang isang bagay–trying hard kumbaga–sinasabihan siya ng iba ng “Ano baga’t naata-ata ka n’yan, ay indi mo naman pala kaya?”

Medyo mahirap magbigay ng rough translation, pero sa tingin ko, gets na naman ninyo, di ba?

Anyway, may kababayan akong nag-YM sa akin ng isang link. Tungkol daw sa isang Amerikano na nag-comment tungkol sa Jollibee. At dahil Jollibee fan, excited kong binasa ang blog entry na ito. Akala ko, magkokomento ang sumulat na si Pamela Ribon tungkol sa kakaibang sarap ng paborito kong fastfood na kopya, pero nagpataob, sa McDonalds nila.

But no! Sobrang ganado ang tinamaan ng magaling sa pagkukuwento kung paano sila nasuka-suka sa mga hain ng Jollinee–mga pagkaing bukod sa araw-araw na nilalantakan ng milyun-milyong mga Pinoy ay kumakatawan din sa tamis ng panlasang Pilipino! Continue reading

Sa Jollibee

Kumakain kami ni Mhay sa Jollibee nang biglang may pumasok na dalawa (o tatlong?) madre. Hulaan ninyo kung ano ang naisip namin?

At pagtingin ko sa kanan ko, ‘yung isang babae, tinatapik-tapik ang mesang kinakainan nila habang tumatawa. Napabunghalit na lang ako ng tawa.

Aliw lang. Kahit hindi ko naman talaga paborito o gusto ‘yung commercial na ‘yun.
Continue reading

Fastfood Talk

Hiniram mula sa official Jollibee websiteMula rito sa inuupuan ko ay tanaw ang Jollibee at McDo. Kita rin ang KFC at Pizza Hut. (Nagugutom ako habang nagpapapak ng pineapple tart na galing Japan.) Pero mas nang-aanyaya ang ngiti ni Jollibee kaysa sa ngiti ng matandang ubanin sa KFC. Mamaya, lalapain ko na naman ang isang barbeque chicken sa McDo–sa huli, panalo pa rin ang globalisasyon. Kasalanan kasi ng Jollibee. Tinanggal nila ang Glazed Chicken Rice. Tsk tsk tsk. Promise, pag naging guwapo na ulit ako, mag-a-apply akong model sa commercial ng Jollibee:

“Kuya, puwede ka nang mag-asawa! Sana kunin mo akong abay, hehehe!”

“The
best things
in life
are…

sweet! Jollibee choco sundae!”