April 28 ,2009 update: Nagpapa-deliver na ulit kami sa Jollibee. Ilang buwan matapos kong isulat ang entry na ito, umayos na ang services nila. Mas ok na ang phone line, at kadalasan ay on-time na ang delivery. Nang minsang magkaproblema ako sa delayed delivery, naging mahusay ang pag-aasikaso ng mga taga-National Bookstore/Quezon Ave branch sa akin. Nung nagkamali ako ng address na ibinigay, matiyaga nilang hinanap ang sa amin, kahit nagpabalik-balik ang rider. Bati na kami ni Jollibee, at nai-enjoy ko na ulit ang Jollibee Regular Yum with Cheese na may hot sauce. 🙂
Hindi na muna ako magpapa-deliver sa 8-7000 Jollibee delivery.
Ito’y kahit
- bumili ako ng 2008 Jollibee planner
- nangongolekta ng laruan at pocket calendar ng Jollibee at gusto ng Jollibee mug
- nagpapa-picture kasama si Jollibee at pinipicturan ang iba pang mga mascot
- tinuturuan ang mga bata na bigkasin nang tama ang Jollibee
- nangangarap maging model ng Jollibee; at
- ipinagtanggol ang Pinoy fastfood na ito sa mga nang-iinsultong dayuhan.
Noong Biyernes, hindi ako nakasali sa Yahoo Messenger conference ng Bloggers’ Kapihan dahil nagkaproblema — gaya nang dati — ang delivery ng inorder kong pagkain sa Jollibee.
Sa pagtawag pa lang sa 8-7000 Jollibee delivery, kailangan na ng tiyaga. Pagkatapos mong mag-dial, kakailanganin mong maghintay nang ilang segundo bago ka sagutin — kung masuwerte kang masagot ang tawag mo sa unang ring.
Nang magkausap na kami ng Jollibee call center agent, sinabi niyang medyo choppy ang dating ng tawag ko. Naka-cellphone ako noon at medyo mahina ang signal. Pero kahit kapag landline ang gamit ko sa pagtawag sa Jollibee, kadalasa’y malabo talaga ang linya nila. Sa pagkakataong iyon, dinig na dinig ko ang maingay na usapan sa kanilang panig.
Lumipat ako sa may bintana para mas luminaw ang signal ko. Pagkatapos kong ibigay ang address nina Mhay, pina-hold ako at titingnan daw niya kung ano ang branch na magde-deliver. So, naghintay ako nang mga ilang segundo. Nang ibinigay ko na ang pangalan ko, hindi niya maintindihan. Ilang beses kong inulit at binaybay, pero ang kinalabasan, Pederic Peder! Kahit na ipinrotesta ko, si Mr. Pederic pa rin ako para sa kanila.
Ang order ko: dalawang Regular Yum with Cheese (Magpapa-cheeseburger ako!) with Coke Light at large French fries. Wala raw Coke Light, kaya Sprite na lang. Hold daw ulit, check daw nila kung available ang mga inoorder ko. So, naghintay ulit ako. Kapag praning ka, iisipin mong binabaan ka na ng telepono, kasi sobrang tahimik ang linya kapag naka-hold. Nang bumalik sa linya ang kausap ko, nag-order din ako ng dalawang mayonnaise at nag-request ng apat na ketchup at apat na hot sauce. Sarap na sarap kasi ako sa burger nila kapag may hot sauce.
Nang itinanong ko kung abot na ito sa minimum order nilang P200, hindi raw niya makuwenta dahil may technical problem sila. So, sabi ko’y dagdagan na ng isang Peach Mango Pie para siguradong aabot sa P200. Dahil hindi nga makuwenta ang total bill ko, tatawagan na lang daw ako ng branch na magde-deliver para ipaalam ang total bill ko. Magdala na lang kako sila ng change for P300.
Ang naka-register sa cellphone, around 9:45 p.m. ang tawag, at tumagal ito nang siyam na minuto. Malapit nang mag-10:30 p.m., wala pa ring tumatawag mula sa branch. Maya-maya, bumaba na ako sa labas para tingnan kung naroon na ang delivery. Baka kako di niya nakita ang doorbell, at tama ako.
Ibinigay na niya ang pagkain sa akin. Medyo nagulat ako dahil marami. Baka kako sa pagkakasilid lang. Magkano kako lahat? P400+ ang sinabi niya. Nagulat na talaga ako! Ha?! Paano nangyari yun? “Kasi, Sir, nagpa-additional daw kayo.” Nang i-check ko ang dala niya, may apat na cheeseburger meal, apat din yata yung Peach Mango Pie, at nalaman ko later na lima yung mayonnaise, pero wala yung ni-request kong apat na hot sauce. Ipinaliwanag ko na dalawang cheeseburger lang ang in-order ko, at ang additional order ko lang ay yung isang Peach Mango Pie, at humingi lang ako ng maraming ketchup at hot sauce.
Binayaran ko na muna siya ng P300 at nagkasundo kaming ibabalik na lang ang sukli kapag naayos na yung tamang bill ko. Inulit ko ulit kung ano talaga ang in-order ko. “So, Sir, dalawa po yung pie?” sabi niya. Isa lang kako, at idinagdag ko lang iyon para nga makasigurong aabot sa minimum ang order ko. “Ah, so dalawa nga po yung pie!” Nagtago na ako sa gate, at tumingin na lang kay Mhay, na by that time ay nasa gate na rin para siguro tingnan kung bakit antagal kong umakyat, at siya na ang nakipag-usap sa delivery boy.
Nang maakyat na kami, tumawag ako sa 8-7000 Jollibee delivery. Tiniyak kung ano ang nakatala sa kanilang in-order ko. Naisip ko kasing baka hindi ko na naman pinakinggan nang maigi ang order recap kaya nagkaganoon. Nalaman kong tama naman ang naka-record sa kanila. May sobra, pero isang mayonnaise lang — sa halip na dalawa, tatlo ang nasa record nila.
Kumain na kami habang nanonood ng Philippine Idol. Mabuti na lamang at may hot sauce pala si Mhay sa kusina niya, kaya’t nakakain pa rin kami ng Regular Yum with Cheese — and hot sauce. May nag-text para itanong kung naipadala na ang sukli, at ng sumagot kaming hindi pa, di na rin nag-reply. Kaya lang, natapos na’t lahat ang Bubble Gang, di pa rin dumating ang nagdadala ng sukli.
Kinabukasan, hindi pa rin dumating ang Jollibee hanggang sa pumunta na ako sa Bloggers’ Kapihan event at umalis si Mhay pauwi sa probinsya. Kaninang hapon, nag-text daw ulit sa kanya yung taga-Jollibee. Sinabi raw na apat na beses na silang bumalik pero walang tao. Naman, hindi naman puwedeng maghapon na lang kaming tutunganga kina Mhay para maghintay sa sukli ng Jollibee. Di ba mas mabuting tumawag o mag-text muna sila bago pumunta?
Habang ihinahanda ko ang post na ito, nag-order ako ng hapunan sa 8Mcdo.com. Pagkatapos kong i-submit ang order ko, pakalipas ng anim na minuto ay may tumawag na taga-McDonald’s para i-verify ang order ko. Pagkalipas nang may 15 minuto, dumating ang order ko — at maliban sa straw, kumpleto ang order ko.
Matatagalan muna siguro bago ako mag-order sa Jollibee delivery, hangga’t di nauubos ang mga karanasang gaya ng sa akin. May nakita akong isang magandang karanasan, pero mas marami ang horror stories:

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 7, 2025
Ascott adds pet-friendly stays at lyf one-north SG
Guests’ furry companions are welcome.
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.
bakit ba kayo puro bad comment,,, ang aarte pa ninyo,,, isipin din ninyo ang hirap ng mga taong yan,, sa mga sumasagot pa lang ng tawag nyo,,, at sa mga taong nagpreprepare nag food nyo,,, hirap kaya nga trabaho nila para sa maliit na sahod, tpos yong mga rider n naghahatid ng food nyo nakarisk ang life nila para mahabol ang guaranteed time nila,,, mga itsusera at mga mayayabang nman kayo kung makapagcomment,,,, hay naku,,,
Kanya-kanyang trip lang yan.
Eeew! bakit kasi ang hilig sa mga cheapest na fastfood! as in yuck! eewnes
paorder nmn aq kh8t ano……
kadiri ang chowking lahat ng branch hoyyyyyyyyyyyyyyyyy wla ba kayong mga ilongggggggggggg…
ay naku wla kayo sa chowking ang baho lang ng site nila kait san ka pumunta iisa ang amoy,,,bkit ganu wla ba silang mga ilong para di maamoy na mabaho ang lamesa nila ,,,,ay nku kadiri tlaga
alam nyo mabuti pa sa ibang bansa ang nagtratrabo sa mga fastfood like mcdo are mostly elderly at mga special people! sa dining yon ha! diba may pakinabang yung mga tao!not like here kaylangan college level tapos mali mali naman mga trabaho nila! bat pa sila kumuha ng maga college level? at sa ibang bansa consistent ang mga crew sa counter about sa iyong inorder talaga paulit ulit sila para tama talaga ang bigay na order sayo kaya lang minsan makukulitan ka rin pero ala kang masabi sa service nila.
Mabuti nga sa mga fastfoods kayo nagkakaproblema ng mga deliveries ek-ek! Ako yung katulong namin nagpa-akyat pa ako ng kapeh sa kwarto. Abah, nakalimutang magtapis. Lintek! Nagbago tuloy ako ng inutos sa kanya: “iced tea nalang deng”.
Nag init ako bigla eh.
Tsk tsk, bawal na akong mag-burger. 🙁
Pangit talaga ang 8-7000 service ng Jollibee. As in PANGIT. Nung nagpa-deliver ako dyan pinahirapan nila ako sa pagtuturo sa kanila kung nasaan yung lab namin… e may EXACT ADDRESS NA NGA. Wala naman kami sa bundok – nasa intersection kami ng CP Garcia and KAtipunan Ave. ANG LABO. Kaya ayoko na tumawag dyan.
MCDO nalang! BURGER! BURGER! BURGER! LOL.
Coys last blog post..Episode 38: The Palawan Gang Goes Gaga Over Snorkeling. And Marimar.
Micamyx: “Paano mo tutulungan ang isang fastfood na 100% pinoy kung hindi naman maayos ang service nila?”
Amen to that. Pero puwede rin palang mag-dine-in na lang, gaya ng ginawa ko kanina.
raspberry: Wala na lang talaga tayong magagawa kundi magpasensya — at magreklamo! :p
nightfox: Wala namang nabanggit tungkol dun sa P200 GC. Baka tapos na. Nakarating na pala yung sukli kanina. Walang resibo. Tsk tsk.
sarah: Puwede rin.
Yoru: Mas mahusay talaga ang 8McDo. Pero oo, hindi ibig sabihin ay boycott Jollibee na ako — yung delivery lang. Kanina nga, nag-Regular Yum with Cheese na naman ako. Pero sa branch na mismo. 🙂
maraming beses na rin akong nairita sa serbisyo na yan ng Jollibee lalo na noong nasa fort bonifacio pa ako (boundary ng makati at taguig). may problema sila sa pagtukoy sa eksaktong lugar na kinaroroonan ng consumer kaya ang tagal naming nag-usap sa telepono. naubos yung 15 minuto na limit sa aming opisina at kaytagal bago ulit ako nakatawag sa kanila. grr.
buti pa 8-mcdo. hehe. kahit wala akong landline, kaya kong umorder. tinatawagan din nila ako kahit sa cellphone.
pero di ito nangagahulugan na di na ako kakain sa jollibee. 🙂
Yorus last blog post..World Pyro Olymics 2008 Final Night
Mas marami lang din siguro ang mahilig mag blog ng mga reklamo kesa mag blog ng mga papuri. 🙂
Isa na ako dun.
sarahs last blog post..Fast Food Delivery Blues
Balik tayo sa nilagang kamote, bayabas, sineguelas at kamoteng kayoy masarap na miryenda.
hehe. kainis din minsan ang mcdo eh! nagpadeliver kami ng breakfast dati, tapos magtwo hours na, wala pa. when we called for the third time, sabi, hindi pa kasi bukas ang tandang sora branch. mwahaha. tawa na lang kasi wala naman ibang pwedeng gawin. yung malabo duin, pinipilit namin na mas malapit ang philcoa branch sa UP, or kahit katipunan. pero pinipilit nya tandang sora. hehehe.
lenis last blog post..waiting.
i thought meron parang P200 na voucher kapag na-late sila? kaya i prefer na jollibug muna ako instead of mcdo…
yes, it’s true and ironic re: hotline. mas okay talaga kung direct line para mas mabilis rin maverify yung order.
and another reason bakit jollibug muna ako – kasi may mga free treats sila lately as compared sa mcdo. 😀
Sayang, sarap pa naman ng Jollibee. Harap lang ng McDo ang tinitirhan ko dito, kaya kadalasan bumababa na lang ako para bumili, kaso gaya siguro ng Jollibee, saksakan ng daming mistakes sa pagbibigay ng order. Minsan nag-order ako ng Chicken Mcnuggets at sinabi ko na ang sauce na gusto ko ay barbecue sauce, kaso pagdating ko sa bahay, wala yung sauce. Paano mo kakainin ang McNuggets kung walang dipping sauce? Kaya nagbihis ulit ako at bumalik sa McDo, at sinabi ko doon sa tindera na sinabi pa naman sa akin na “Everything is in the bag”, nung gusto ko sanang buksan yung bag dahil gusto ko ngang i-check. Dedma lang at kaka-insulto pa dahil sinabi pa na “enjoy your meal!”. Ngumiti na rin lang ako kasi mukhang estudyante pa lan yung crew, ayoko namang maging harsh sa kanya. Kaso pagbalik ko sa condo, malamig na yung Mcnuggets. Ala nang kwenta. Pagpasensyahan na lang siguro. Busy kasi tsaka usually mga high school at college students ang nagtitinda.
Naku, naranasan ko na rin yan.
Maingay na nga yung background, mukhang aroganteng inaantok pa yung sumagot. Nagkaroon din ng time na nagpadeliver kami dati ni Carlo ng “Spagetti with Chicken” pero ang dinala Spagetti with Chicken + another spagetti eh hindi naman ako nagorder ng isa pang spagetti. Meron din ako isa pang karanasan sa kanilang delivery service na hindi ko nagustuhan kaya kahit na sobrang takam na takam ako sa palabok fiesta at jolly spagetti nila, sa Mc Do na lang ako nagpapadeliver. Sigurado pa na 30 min nandito na ang inorder ko.
Paano mo tutulungan ang isang fastfood na 100% pinoy kung hindi naman maayos ang service nila?
Micamyxs last blog post..Random Computer-Related Facts I Learned in Grade I