
Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee.
Sana nga lang, ayusin nila ang kanilang customer service, ang kanilang delivery, at gawing pare-pareho ang lasa ng kanilang mga pagkain kahit sa magkakaibang branch.
Nabanggit ko sa taas ang batang si Piolo, kaya’t naalala ko naman si Piolo Pascual–na masayang panoorin kapag katambal si Judy Ann Santos (at hindi si Sam Milby, hehe). Nang tumambay ako noong isang linggo sa updated website ng clothing brand na Bench, na may Forums page na, nagulat ako nang makita ko ang larawan niya. Akala ko noong una, si Milby iyon. Si Piolo pala talaga. Mabuti nama’t may pamalit na sila kay Richard Gomez, na nakiuso na sa pagtakbo ng mga artista sa Senado.
Nang ikuwento ko ang balitang Bench na ito sa pinsan kong si Jay, na fan din ng proyektong ito ni Bench Chan, naikuwento rin niya sa akin ang di-kamurahan niyang sinturong Bench na mahigit isang buwan pa lamang ay halos maputol na. Payo ko tuloy sa kanya, mga shirt at pantalon na lamang ang bilhin namin sa Bench, dahil siguradong japorms na, matibay pa.
Naikuwento ko ang dalawang astig Pinoy brands na ito–na di lamang malaking bahagi ng negosyong Pinoy, kundi nakaukit na rin sa kultura at kamalayang Pilipino–dahil pagkatapos ng kwento naming mga magniniyog sa Coco-Loka, ang mga Pinoy brands naman ang itatampok ng I-Witness mamayang gabi. Kabilang nga sa mga ito ang mga paborito kong Bench at Jollibee, at ang National Bookstore.
TATAK NG BAYAN
Sa I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-5 ng Marso, 2006Papaano nagiging tatak ng bayan ang isang maliit na negosyo?
Alamin ang sagot ngayong Lunes sa I-Witness ni Sandra Aguinaldo. Babalikan ni Sandra ang simpleng simula ng mga higanteng kumpanya ngayon gaya ng Jollibee, National Bookstore at Bench.
Mula sa isang maliit na tindahan ng sorbetes sa Cubao ay naging pinakamalaking fastfood chain sa Pilipinas ang Jollibee, na binuo ng pamilyang Tan Caktiong. Aalamin ni Sandra Aguinaldo kung paano napalapit ang Jollibee sa puso ng Pinoy – mula sa kinaaaliwang mascot ng mga bata hanggang sa pagkaing “langhap-sarap†sa nakatatanda.
Makikilala rin ni Sandra Aguinaldo ang nanay sa likod ng tagumpay ng National Bookstore. Taong 1942 nang buksan ni Socorro Cancio-Ramos ang kauna-unahang National Bookstore sa Escolta, Manila. Dinanas na ang giyera, pinagdaanan ang martial law at tatlong EDSA revolt, pero hindi natinag ang National bilang “bookstore ng bayan.â€
Dati’y imported lamang ang gustong sinusuot ng mga Pinoy teenager, pero nagbago ang lahat nang mauso ang Bench ni Ben Chan. May mga katangian ang damit na tatak Bench na nakahuli sa kiliti ng Pinoy.
Ang sikreto sa likod nitong mga “Tatak ng Bayanâ€, abangan sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.
[…] tinuturuan ang mga bata na bigkasin nang tama ang Jollibee […]
[…] kasama si Jollibee at pinipicturan ang iba pang mga mascot, tinuturuan ang mga bata na bigkasin nang tama ang Jollibee, nangangarap maging model ng Jollibee, at ipinagtanggol ang Pinoy fastfood na ito sa mga […]
Paborito ko ang BENCH. Sayang wala na masyado print-ads si Jomari. Ingat po. God Bless.
kurokuroko: wela pong anuman.
fruityoaty: try mo lang, hehe.
I haven’t been to the Philippines since we moved to Canada 20+ years ago.
If I ever do return for a visit, I’d like to check out this Jollibee that I’ve been hearing about for so many years now. But I don’t think I’d like the Filipino-style spaghetti. I don’t like sweet spaghetti sauce.
hey po. salamat sa pag-post mo nito sa blog mo. 😉