Francis Magalona (Photo from Wikipedia)
Francis Magalona (Photo from Wikipedia)
Nang pumanaw si Francis Magalona noong March 6, gaya ng marami ay nagulat at nalungkot ako. Ang inaasahan ko’y mababalitaan na lang nating magaling na siya at naghahanda nang lumabas sa ospital.

Ngunit iba ang nangyari.

Pero sa gitna ng pagluluksa ng bansa, lalo namang nangibabaw ang impluwensiya ni Francis M sa henerasyong ito.

Binaha ng comments ang kanyang blog at napakarami ng nag-search ng pangalan niya sa Web.

Kahit saan ka pumunta, maririnig ang kanyang mga awitin, lalo na ang Kaleidoscope World — sandaang libo ang nakikanta nito sa pinakahuling concert ng Eraserheads.

Sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan at tagahanga, mababasa ang pasasalamat sa inspirasyong ibinigay niya. Napanood ko rin sa Eat Bulaga kung paanong may mga kabataang dati’y walang magawa, ngunit nagkaroon ng direksyon ang buhay mula nang matagpuan ang kanyang uri ng musika — ang rap.

Kung tutuusin halos naging credo ng isang henerasyon ang kanyang “Mga Kababayan Ko”, na tuwirang sumalunga sa nangingibabaw sa kaisipang kolonyal at nagpahayag ng paniniwala sa kakayahan ng mga Pilipino.

Pagmamahal sa bayan at pagka-Pilipino rin ang tema ng iba pa niyang rap pieces: “Three Stars And A Sun”, “Man from Manila”, at “Tayo’y Mga Pinoy”.

Francis M at ang cover ng '1896: Ang Pagsilang'
Francis M at ang cover ng '1896: Ang Pagsilang'
Sa kanyang mga awitin, ang paborito ko’y ang “1-800 Ninety Six”, na kontribusyon niya sa album na “1896: Ang Pagsilang”.

Nilikha ang album bilang bahagi ng pagdiriwang ng sentenaryo ng Himagsikang Pilipino. (Kung tama ang pagkakaalala ko, nakuha ko ang CD ko nito sa Greenwich sa Ever Commonwealth — libre o discounted ata kasama ang isang pizza meal).

Sa “1-800 Ninety Six”, sinuma ni Francis M ang karanasan natin sa tatlong dayuhang mananakop at idinaing ang patuloy na pagiging mailap ng tunay na kalayaan.

Sa “Kabataan Para sa Kinabukasan”, ang panawagan niya’y kapayapaan, kalikasan, kabataan, at “maging tunay na bayani”.

Pinakahinahangaan ko si Francis M sa pagsusuot ng kanyang pagkamakabayan. Unti-unti nang pinatataob ng kanyang FrancisM Clothing Company at ng sagisag nitong 3 Stars & a Sun ang imported mentality na dati’y gumagabay sa mga Pinoy sa pagpili ng mga damit na susuutin.

Naging matibay siya sa kanyang pakikipaglaban sa leukemia. Sa pagitan ng gamutan ay nagtrabaho pa siya’t patuloy na nagbigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Ang tatag ng loob na ipinakita niya ay ipinakita rin kanyang pamilya sa kabila ng kanyang pagpanaw. Lumisan si Francis M., ngunit di siya natalo sa laban.

***

May pagpupugay kay Francis M ang Tinig.com: Tribute to Francis Magalona.

May malawak na koleksyon naman si Tonyo Cruz ng Francis Magalona links.

***

Share ko lang ang lyrics ng “1-800 Ninety Six” na kinopya ko sa album CD jacket ng “1896: Ang Pagsilang”:

1-800 Ninety Six
(Francis M)

Sumaludo sa harap ng bandila
Kastila ka bang umaalipin sa alila
Sinakop ng puti ang mga kayumanggi
Pinagnanakaw ang lahi at sila’y naghari
Hanggang ngayon pa rin sila pa rin ang nakaupo
Ilang daang taon mula noon, nakagapos
Ang ating mga kamay, nakapiring ang mga mata
Dila’y pinuputol pag ika’y nagsasalita
Tulad ni Rizal na panulat ang pinairal
Si Andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay
Yo hablo espanyol,
Si senyor, Conio
Ako po ay isang mestisong indio po
You are a friend of Uncle Sam,

Yo my man I am
I don’t speak Tagalog but I try to understand
Pilipino ka ba, Bansai, Shinjimai
Dorobo kedo moto oto kumai
Dugong inialay para sa bayan
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan
Dugo’y bumaha at naging pataba
Bulok na bunga, tumulo ang luha

Perlas ng Silanganan ung tawagin ang ‘Pinas
Sinilang sa Silangan ang angkan ni Malakas
Anak ni Bathala at ako’y nababahala
‘Di ako naniniwala na ako ay malaya
Akala ko ba Philippines 2000
Pero bakit ganoon parang walang patutunguhan
Kung buhay lamang ang ating mga bayani
Alam kong sila ang unang-unang magsasabi na
Kahit kailan man bayan muna bago sarili
Sa pagnanakaw ang nakaupo’y nawiwili

Kapuna-puna ang mga anomalya
Ang kakapal nila mga walanghiya
Barong Tagalog pa ang suot ng mga gago
‘Pag nag-Tagalog, baku-bako anlabo
Ilan sa liderato dapat sa krus ipako
Alam ba ninyo kung sino ang mga tinutukoy ko?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center