Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.
Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.
Kapag may pera akong pambili ng branded, Bench ang kadalasang pinupuntahan ko. Noong linggo, habang hinihintay ang salamin sa mata na ipinagawa ko, dumaan kami ni Mhay sa tindahan ng damit sa mall na kinaroroonan namin. Kunyari’y teen-ager, pumunta ako sa teen’s section ng mga damit na panlalaki habang siya’y nagtitingin ng mga pantalon.
Nagbakasakali akong makatagpo ng isa pang damit na may nakatitik na alibata gaya ng nabili namin dati. Pero napagod na ako sa kakasilip sa mga nakahilera sa dalawang tatak-Pilipinong nabanggit ko na at sa mga ba pang lokal na pangalan, pero karamihan sa mga nakita ko ay mga walang kawawaang disenyong may tekstong nasa wikang English, o kaya ay may bandila ng Amerika. Oo, Pinoy na brand pero may watawat ng U.S. of A!
Ang pinaka-Pinoy na nakita ko lang ay isang shirt sa Bench na may disenyong halu-halo. Tulad ng Alibata shirt ko, kabilang ito sa seryeng Pinoy Pop ng Bench, sa attempt nitong magpaka-Pilipino:
The Pinoy Pop Culture concept, since its inception in 2001, has become an intrinsic part of the Bench brand identity, just as much as Bench attributes its success to its understanding of the taste of the Filipino. “Bench is like the Sharon Cuneta of fashion retail,” adds Chaves. “It cuts across socio-economic barriers. Bench is what it is because it wasn’t built on snob appeal, but a love of its own market. Bench is proud to be Pinoy, and enjoins Filipinos to do the same.” (from INQ7)
Siyempre, naroon pa rin ang mga damit na ginawa sa inspirasyon nina Jerry Yan at Jasmine Trias. Pinoy Pop din naman. Pero Pinoy nga ba?
Mukhang malayu-layo pa ang hihintayin bago makarating sa mainstream ang mga hinahanap kong disenyo.
Bakit kasi parang di ko na napagkikita ang Pidro? Nagkaroon ako noon ng damit na Pidro na may malaking mukha ni Andres Bonifacio at may nakalagay na pangalan niya’t katungkulan: Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan. Sabagay, nagkaroon din ako ng Bench shirt na may tatak na Bonifacio, pero isang napakaliit na larawan ng monumento niya ang naroon — saka sentenaryo ng kalayaan kasi noon.
Sa susunod, baka sa UP Shopping Center na lang muna siguro kami maghahanap ng bagong maisusuot.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 19, 2024
NAFA presents ‘Prismatic: Ang Ah Tee’
Exhibition showcases 40 recent works of Singapore Cultural Medallion recipient.
July 24, 2023
NAFA presents Southeast Asian Arts Forum 2023
The forum is a continuation from last year’s sustainability-centered theme.
June 10, 2018
Sa gitna ng sagutang Mike vs. Atom at Mocha vs. Kris: Bob Ong may panawagan
Hiling ni Bob Ong, ireport sa Facebook bilang fake page ang Bob Ong Quotes, na…
[…] s.parentNode.insertBefore(po, s); })();Noong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands: Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga […]
[…] logoNoong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands: Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga […]
marapat lamang na pagbutihin ng mga pinoy na gumagawa ng mga lokal na damit na ito ay matibay at de kalidad upang maaari natin itong ipagyabang sa mga nangungunang mga dayuhang tatak.
Okay nga yung sariling estilo. Di pa magastos. :p
Ako mahilig ako sa mga vintage style design,, im a graphic artist and ako na din nag d design ng shirt ko, i just buy plain shirt then ako na nag tatatak,, mas maganda dating ng pinoy vintage,,, yup! “PIDRO” ok yun,, danny javier
kaya gusto ko yung mga damit na gawa ni manong danny javier eh. PIDRO! may kamahalan pero may halaga naman sa kasarinlan.
wala lang
wala lang
I stand corrected, the correct quote was:
Tama ka ederic, pero ika nga ng mga magagaling na paradesenyo:
pero sana kung maladayuhan man ang designs, makikita natin ang pinoy roots, pinoy icons, etc sa mga desenyo.
parang gusto ko ngang gayahin yung mga nasa stencil revolution na mga styles and magstart ng sarili kong shirt company… pero masyado lang busy…
aq hnd guilty… poor lng aq e… hehe joke!? hind aq ang bumibili ng gamit q, madalas magulang q o kaibigan, bigay o rigalo.
hi manong ederic JOKE!?
ganda ng site a…. ‘stig!!!! long time no eb ata ang tinig, hnd na aq nakakdalaw.
link mo nmn po aq… http://www.vonne.tripod.com
hehehe ^_^
Isa ako sa mga guilty sa pagbili ng mga t-shirts na banyaga tulad ng Gap, Old Navy at yung brand ng Canada na Roots. Pero ito ay para sa anak ko. Nung umuwi ang asawa ko sa Pinas, bumili sya ng sangkatutak na BENCH. Proud sya sa pag suot nito. May nakalagay na “I am not stubborn I am always right” sa t-shirt, hanggang pinansin ng isang puti, sabi nya – why is there a Bench under those words? Sinabi ko na brand name yun sa Pilipinas, and that it doesn’t make sense to him but it does to Filipinos. Napangiti sya. 🙂
Nung dumating ang tiya ko galing Germany, sa Bench ko rin siya hinila na bumili ng damit para sa asawa niyang German. Akala nga niya, wala na yung brand. Nung huling bumili raw siya ng pasalubong, doon sa Bench din.