Ganito ang isinulat ngayong araw na ito ni Rogelio B. Cruz sa kolum na
Sa karanasan ko, hindi lang ako nahihiya sa mga nagpipilit magka-twang. Madalas ay natatawa ako. Minsan ay naiirita. Ang pinsan kong si Jay-jay, natatawa at naiiling na lang daw kapag nakakarinig ng maliliit na batang Pinoy na kinakausap ng mga magulang sa putul-putol–o kahit diretsong English. Ako naman, naaawa sa mga batang ganoon. Lalaki silang walang mahigpit na pagkapit sa sariling kultura. Malamang sa hindi, magiging kahilera sila ng mga nakaririmarim na elitistang coño na bulol sa sa sarili nilang wika. Sila’y magiging mga misedukadong Pilipinong hiwalay sa kanilang ugat: kayumanggi ang kulay ng katawan, pero dayuhan ang diwa.
Kamakailan ay nag-email ako sa isang diyaryo upang humingi ng larawan ni Marlene Esperat para magamit sa Tinig.com. Isinulat ko sa Filipino ang request letter ko. Nang sumagot ang isa sa mga editor–na nagkataong kaklase ko pala sa diploma course na kinukuha ko ngayon sa Ateneo–akala niya’y nanggu-good time lang ako. Para raw siyang nagbabasa ng libro ni Jose Rizal. Ako naman itong nagulat, dahil ganoon talaga kami magsulatan nina Alex at Vlad na mga kapatnugot ko sa Tinig.com. Oo, may patak-patak ng English na nasasama sa sulat, pero natural at normal lamang sa amin ang magsulat sa Filipino.
Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng isa sa mga punto ni Rogelio sa kanyang artikulo:
Is there any “premium,” “AB,” “prestigious” product marketed in Filipino? Is there any “premier” shopping mall with signage in Filipino? Is there a “credible,” “intelligent,” “educated” news program in Filipino? Is there a “hip” radio station in Filipino?
Ang sagot sa karamihan sa mga iyan ay wala (maliban na lang siguro sa Saksi ng GMA-7 at Sentro ng ABC-5, na kapwa nagsusumikap na bigyang lalim ang kanilang mga balita). Tama si Rogelio. Sa bansang ito, ang English ang batayan ng kahusayan. Kapag hindi ka nag-English, hindi ka seseryosohin.
Sa pagpapanukala ng lalong pagsusulong ng wikang English sa pagtuturo sa mga paaralan, ipinangangalandakan ng mga opisyal ng gobyerno na isa ito sa mga susi sa pag-unlad. Pero hello teletubbies, dantaon na tayong nag-i-English, pero bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin tayo?
Sang-ayon ako sa sinabi ni Rogelio na inilagay ko sa simula ng entry na ito. Dapat na mag-isip-isip na tayo.
Panahon na sigurong kilalanin, seryosohin at yakapin ang sariling atin.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 24, 2023
NAFA presents Southeast Asian Arts Forum 2023
The forum is a continuation from last year’s sustainability-centered theme.
December 4, 2019
Si Robredo at ang kampanya kontra droga
Para kay VP Robredo, hindi karahasan at patayan ang paraan para wakasan ang…
November 1, 2019
Hindi matanggap ang pagkatalo
Ayaw pa ring aminin ni Bongbong Marcos ang kaniyang pagkatalo. `
totoo lahat ng sinabi mo. Kaya kahit nasa ibang bansa kami, kinakausap namin ang mga anak ko ng Tagalog, katwiran namin, matututuhan din nila ang English pag nasa school na sila. At mas bentahe pag may kaalaman ng 2 wika dito. Ang wika natin ay isa sa mahalagang elemento ng culture natin kaya dapat hindi natin ikahiyang gamitin.
Hindi lang naman “pagkamakabansa” ang tinutukoy ng entry ni kuya Ederic. Sinasabi dito na bakit ka nagpipilit mag-Ingles kung sarili mong wika, hindi mo pa naaaral nang mabuti?
Walang kaso sa akin kung ang isang tao ay mas sanay magsalita ng wikang Ingles, basta ba hindi nila kakatayin ang wikang Filipino at gusto niyang matutunan ang dalawang wika. Ang ayoko lang ay iyong mga taong nag-i-Ingles para masabi lang na angat sila sa iba, tulad nga ng sabi ni Ate My. 🙂
Nasusukat ba sa kagalingan sa pagsasalita ng Filipino ang pagkamakabansa? Hindi ata. Mismong si Dr. Jose Rizal ay hindi gumamit ng Filipino sa marami sa kaniyang mga sinulat. At siya mismo ang nagsabi na ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy sa malansang isda. Hindi dahil sa mas bihasa ang isang tao sa pagsasalita sa wikang banyaga ay mayabang na siya o nagmamagaling.
Siguro hindi rin tama para sa atin na husgahan ang pagkamakabansa ng isang tao batay sa kaniyang kagalingan sa wikang Filipino o Ingles.
Yun lang po. Peace, Ederic. =D
Nakakapanggigil pa lalo yung mga taong ang batayan ng katalinuhan o pagka-cultured ay ang husay sa pananalita sa Ingles. Hindi katalinuhan ang tawag doon, yun ay simpleng kayabangan.
Sa pagpapanukala ng lalong pagsusulong ng wikang English sa pagtuturo sa mga paaralan, ipinangangalandakan ng mga opisyal ng gobyerno na isa ito sa mga susi sa pag-unlad. Pero hello teletubbies, dantaon na tayong nag-i-English, pero bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin tayo?–agree ako dito.
hey ederic, what course are you taking? 🙂
Sangayon ako sa iyong komento!
Naalaala ko tuloy ang di matapos tapos na debate ukol sa paksang eto!
Ano nga kaya ang nangyari sa ating sintang bayan kung inilimbag ang lahat ng instruksiyonal books sa wikang Filipino? Mas tumaas kaya ang bilang ng mga estudyanteng inde dadaan sa bridge program? Mas marami kaya ang matutunan ng mga mag-aaral sa matematika, syensia at pisika dahil mas madali na itong intindihin sa wikang atin kaysa sa wikang banyaga?