Dati’y may naisulat na ako tungkol kay Jasmine Trias, isang dalagitang may dugong Pinoy na naging finalist sa American Idol, isang sikat na TV show sa United States. Dahil marahil kay Jasmine, naging popular din sa Pilipinas ang palabas na ito. Pati mga tulad kong walang pakialam sa mga palabas sa States, napatingin at nakiabang na rin sa American Idol.
Dahil sa mga programang gumagaya sa American Idol, muling namayagpag ang mga paligsahan sa pag-awit sa telebisyon. Wari’y nabuhay ang sigla ng “Tawag ng Tanghalan†at “Tanghalan ng Kampeonâ€, na namayagpag sa ere noong mga nakalipas na dekada.
Samantala, nagmula naman ang American Idol sa Pop Idol ng United Kingdom, na sinimulan noong 2001. Ang tagumpay ng programang Pop Idol ay naging dahilan ng pagkaroon nito ng mga bersyon sa iba’t ibang bansa, kabilang na nga ang American Idol sa US, at ngayon, ang Philippine Idol sa Pilipinas. (Hinanap ko sa Internet kung mayroon nang Japanese Idol, pero tila wala pa. Sigurado akong kung magkakaroon, maraming mga kababayan natin diyan ang sasali.)
Naging matunog ang pagsisimula ng Philippine Idol. Bago pa man ito simulang ipalabas sa ABC Channel 5, marami na ang nag-aabang dito. Pati ako, na nagtatrabaho sa ibang estasyon, ay naging intresado. Kahit malabo ang reception ng ABC-5 sa aking tirahan, pinagtiyagaan kong mapanood ang mga audition.
Sa Philippine Idol, si Ryan Agoncillo ang host, at ang mga hurado naman ay sina Francis Magallona, ang itinuturing na“ King of Pinoy Rap, Asia’s Queen of Song Pilita Corales, at si Maestro Rayan Cayabyab. Ang official website ng palabas ay nasa www.philippineidol.com.
Ilang linggo kong hindi napanood ang palabas dahil nga sa problema sa reception. Nang muli akong makapanood nito, malapit nang magsimula ang finals. Sayang din dahil ‘di ko na muling napanood ang iba sa mga natandaan at nagustuhan ko sa mga audition.
At gaya ng alinmang paligsahan, ang mga manonood ay may napipisil na kandidato. Agad kong napansin si Pow Chavez—o Paula Patricia Chavez, 23 taong gulang. Kumanta siya ng Tagalog na awiting “Ikaw Lamangâ€, at napanganga na lang ako sa boses ni Pow. Sabi ko, kapag nagka-album na siya, siguradong bibili ako. Malamig at malinis ang kanyang boses, kaya’t masarap pakinggan, lalo na kapag OPM ang kanyang inaawit. Sabi nga ni Maestro Ryan, isa siyang “modern kundiman singer.†Ayon sa website na Wikipedia, ang description ni Pow sa sarili ay “maliksi, masayahin, matapang, positibo, tibo (hehe), ‘di mapirmi pag may music.â€
Sang-ayon naman ako sa sinabi ni Gia, isang estudyanteng nag-comment sa blog entry ko tungkol kay Pow: “…I think she has what it takes to become the first Philippine Idol. Aside from her having a really, really astonishing and versatile voice, she also has good moral values, and she was a diligent student (according to my teachers). At isa pa, nagpapakatotoo siya sa sarili niya. Yan ang tunay na idol!! Go POW!!!â€
Ngayon, tuwing Linggo, bandang ika-9 ng gabi ay inaabangan namin ng girlfriend ko at ng tatlong taong gulang niyang pamangkin ang pag-awit ni Pow sa Philippine Idol. Yun nga lang, laging nakakatulog ang bata.
Tulad din sa American Idol, pipiliin ang pinakaunang Philippine Idol base sa text votes ng mga manonood. Bawat linggo, maaalis ang isang contestant na may pinakamababang bilang ng boto. Dalawang linggo nang magkasunod na nasa bottom three—o tatlong contestant na pinakakonti ang boto—si Pow. Kanina, natanggal ang isa ko pang paborito—si Apple Chui.
Panay na tuloy ang pangangampanya ko sa text sa mga kaibigan ko. Nanawagan na rin ako noong Linggo ako sa mga nagbabasa ng blog ko sa Pilipinas: “Sa mga may cellphone, tulungan natin si Pow. Just type POW and send to 2339. Pero gawin ninyo ito mamaya, sa loob ng dalawang oras pagkatapos ng palabas [mga 10:30pm to 12:30am) para masama ang inyong boto.â€
Siyanga pala, nakabisita na rin si Jasmine–ang ating Filipino American Idol–sa Philippine Idol. At kapag nagkaroon na ng Japanese idol, balitaan ninyo ako agad.
(Pinoy Gazette)