Naintriga ako nang mabasa ko sa headline ng isang diyaryo ang tungkol sa pagtitika raw ng Simbahang Katoliko sa pagkakamali raw nito sa EDSA 2. Pagdating sa bahay, agad kong hinanap sa website ng Archdiocese of Manila ang paper naging basehan ng balita. Nakita at binasa ko ang “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises” ni Fr. Sid T. Marinay, vice-chancellor ng archdiocese.
Sa kanyang paper, sinabi Fr. Marinay na ang mga pahayag ng CBCP sa mga nakalipas na taon ay nagpapakita ng paglayo nito sa uri ng aktibismong nagdadala ng mga tao sa mga lansangan upang magprotesta. Sa halip, ang focus na raw ng CBCP ay sa pagpapalakas ng mga istruktura at institusyong pampulitika.
Binanggit din ni Fr. Marinay ang pahayag ng CBCP nang pumutok ang ZTE scandal. Aniya, tinapos ng CBCP ang pastoral statement sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga tao “to have ‘circles of discernment’ and to have ‘communal action’ that will ‘perpetuate at the grassroots level the spirit of People Power so brilliantly demonstrated to the world at EDSA I.'” Binanggit daw ng CBCP ang EDSA 1, ngunit tahimik ito sa EDSA 2.
Ganito ang paliwanag niya:
“The current direction of the CBCP to strengthen political institutions to solve and prevent political crises is a kind of a corrective measure of EDSA II which weakened political institution in the sense that it did not wait for the verdict of the Senator-Judges in the impeachment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly instituted political institution a chance to assert itself and prove its strength to handle such a political turmoil. For this reason, the CBCP did not mention EDSA II, for it did not help strengthen our political institutions. The parliament of the streets, also known as mob rule instrumental in the ouster of Erap Estrada was a shortcut to achieve political change. It was counterproductive, for it weakened our political structures.”
Mabibigat na mga salita ito patungkol sa People Power 2 na nilahukan ko. Ganyang-ganyan din ang sinasabi noon ng kampo ni Erap at ng ilang mga abogado.
Para sa isang katulad kong nakilahok at sumubaybay sa mga pangyayari noon, ang mga ganitong pahayag ay mapanganib — may bahid ito ng pagtatangkang baguhin ang kasaysayan. Ihinihiwalay nito ang People Power 2 sa kontekstong kinapalooban nito. Tinitingnan lamang nito ang nangyari pagkatapos ng EDSA 2, ngunit ayaw nitong sagutin kung bakit naganap ang pag-aalsa.
Naganap ang People Power 2 dahil sobrang na-bad trip ang mga tao sa katiwalian sa ilalim ng rehimeng Estrada, at sumabog ang galit ng mamamayan nang tumanggi ang mga senador na kaibigan ni Erap na gampanan nang tama ang kanilang tungkulin. Pumutok ang pag-aalsa nang tumanggi ang mga senador na ito na buksan ang isang piraso ng ebidensiya. Lalong nakita ng taumbayan na ginagawa nilang moro-moro lamang ang impeachment trial, at anuman ang ebidensiyang ipakita ng mga tagausig, aabsuweltuhin pa rin nila si Erap. Sa mga panahong tumigil nang kumilos ang mga institusyon at proseso, ang aasahan na lamang ng mga mamamayan ay ang kanilang direktang pagkilos.
Ang People Power ay hindi ginawang mali ng mga kamalian ni Ginang Arroyo, na nakinabang sa pag-aalsa. Kung humina man ang mga institusyon, hindi ito dahil sa EDSA 2. Ito ay dahil sa ginapang ang mga ito ni Ginang Arroyo sa pagtataguyod niya ng kanyang sariling kapakanan — sa tulong na rin ng ilang mga kaibigan niyang pulitiko at ilang taong-simbahan.
(Pinoy Gazette)
puede ko po bang i-repost ito sa Multiply Networking Site?
but the credit is still yours…
puede ko po bang i-repost ito sa Multiply Networking Site?
but the credit is still yours…
Napakaganda po ng mensahe o paliwanag nyo tungkol sa Edsa 2, namulat ang aking isipan.
=)
Napakaganda po ng mensahe o paliwanag nyo tungkol sa Edsa 2, namulat ang aking isipan.
=)
THANK YOU NAKAKUHA AKO NG ANSWER SA ASSIGN KOH
THANK YOU NAKAKUHA AKO NG ANSWER SA ASSIGN KOH