Noong bata pa ako, mas relihiyoso ako. Regular na nagsisimba ang Nanay at Tatay (lolo at lola ko) at coordinator ng mga katekista ang aking ina. Mistulang playground ko ang compound na kinalalagyan ng simbahan ng parokya, ng kumbento ng mga madre, at ng tirahan ng mga pari. Isa sa mga paborito kong laruan noon ang stuffed toy na kabayo mula sa kaibigan naming madre na si Sister Paula. Nakarating pa nga sa bahay namin ang isang dating obispo ng Diyoseses ng Marinduque.

Ang Simbahan ang unang nagturo sa akin ng pakikisangkot at pakikialam sa mga nangyayari sa lipunan. Mula sa mga kanta gaya ng Pananagutan (Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang… / Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa / Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya); sa mga aral ng Panginoong Hesukristo (Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw) na itinuturo ng Simbahan; hanggang sa aktuwal na paglaban ng mga pari sa pagtatapon ng Marcopper Mining Corporation ng nakalalasong basura sa aming dagat, nakita ko ang kahalagahan ng pakikialam at pakikisangkot.

Ngunit habang lumilipas ang panahon, nagbabago tayo. Aminado akong bagamat di ako bumitaw, may ilang panahon na rin akong nagkulang sa mga tungkulin ko bilang Katoliko.

May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nalalayo sa Simbahan. Ang iba, nahahatak ng ibang relihiyon. May mga nagiging abala sa mga concerns sa mundo. May mga iba namang naiilang lang.

Sa isang entry sa kanyang blog, ganito ang isinulat ni Gang Badoy ng RockEd Philippines:

“Sometimes we recoil from the hypocrisy of what we think is ‘the church.’ Sometimes we let weaknesses of those who stand as representatives of her majesty ruin it for us. Sometimes we crack under the pressure of the whips of supposed discipline and order. And we cringe at the narrowmindedness of those who proclaim themselves — it. And maybe, just maybe, we drive away from it with the fuel of our unmet expectations.”

Ang grupo ni Gang ay sumusuporta sa pakikibaka ng mga magsasaka ng Sumilao para mabawi ang lupa ng kanilang mga ninuno. Noong Disyembre, nasaksihan niya ang buong pagkalinga ng Simbahang Katoliko sa mga magsasaka ng Sumilao at pagsusulong nito sa kanilang kapakanan. Dagdag niya sa isinulat niya:

“..I realized a small part of why it maintains its majestic robes and arched ceilings. When the weary walk in and say, ‘Help me.’

“And when they are welcomed with trumpets and numbers and symbols of nobility, sometimes that is most comforting. When you are up against the high and mighty and the powerful, the fist that will defend you should be equally powerful, if not more.

“…You go where you are safe, as children we know that. As adults, we sometimes forget. Because of the lapses of all parties involved. I have never doubted, I merely forgot.”

Minsan, dahil sa maraming pagbabago, nakakalimot tayo. Ngunit ang mga eksenang tulad ng nakita ni Gang nang akuin ng Simbahan ang pakikibaka ng mga taga-Sumilao ay nakapagpapaalaala sa atin at muling nakapagpapasigla ng ang ating paniniwala.

(Pinoy Gazette)

Related Works
0 Comments

Add comment

Privacy Preference Center