door·bell /ˈdɔrˌbɛl, ˈdoʊr-/ [dawr-bel, dohr-]
–noun
1. a bell chime, or the like, at a door or connected with a door, rung by persons outside wanting someone inside to open the door.
–verb (used without object)
Source: Dictionary.com

Gaya ng ipinapaliwanang sa itaas, ang doorbell ay yung bagay na paulit-ulit na pinipindot ng isang bisita upang malaman ng mga nasa loob ng bahay na naiinip na siya sa paghihintay sa labas. Ito rin ang pinagti-trip-an ng makukulit na bata kapag madaling araw para makapang-istorbo ng mga natutulog. Ito rin ay napapasama minsan sa mga dinidilig ng mga kapitbahay.

Doorbell ang obsession ko nitong mga nakalipas na araw.

Dati kasi, may wireless doorbell na kami sa apartment namin ng pinsan ko. Kailangan ito kapag nagpapadeliver kami ng pagkain o tubig. Kaya lang, isang araw ay kumalas ang pindutan sa pagkakadikit mula sa sementong dingding ng gusali. Ang malas pa nito, may isang bangag siguro kaming kapitbahay na nagdilig ng mga halaman, at nadiligan pati ang fallen doorbell namin. Siyempre, nabasa kaya nasira.

Mula noon, binalak ko nang bumili ng doorbell. Nakabili ako ng bagong wireless doorbell noong isang weekend, kaso lang nang ikabit na namin ay ayaw gumana. Suspetsa ko, mahina ang signal. O baka naman mali lang ang puwesto.

Dahil dito, nangutang muna ako kay Mhay ng pambili ng bagong doorbell. At noong Sabado, nagpagala-gala ako sa Cubao para maghanap ng kaparehong brand at model ng nadilig naming doorbell. Wala sa Handyman sa Farmers. Wala rin sa DIY sa Gateway. Wala pa rin sa Shopwise.

Sa Ace Hardware sa SM Cubao ako nakakita. May dalawang option for P499 package: yung may isang pindutan at dalawang tumutunog, o dalawang tumutunog at isang pindutan. Ang pinili ko siyempre, yung dalawang pindutan para kung madilig man yung isa, gagana pa yung isa. Dahil hindi helpful ang ilang tao roon, ako na lang mag-isa ko ang nag-test.

Bumili rin ako ng styro at tape sa National Book Store para magamit na pantapal sa bintanang binutas ng aircon. Pagkatapos, kumain ako ng Jollibee Yum with Cheese na may catsup at konting hot sauce. Sarap! Nasa Twitter ko ang lahat ng iyan at mababasa ninyo kung fina-follow ninyo ako.

Excited akong umuwi. Pero bago ayusin ang doorbell, inuna ko ang butas na bintana.

Nang i-test ko na ang doorbell, okay naman. Gumana. Ikinabit ko. Kaya lang, nang may dumating na bisita ang pinsan ko — mabuti pa siya, may nakakaisip bumisita — nag-doorbell daw, pero di namin narinig. Kaya kahapon, pagkagising ko ay hinarap ko ulit ang problemang doorbell. Frustrated na ako, eh. Pagod, pawis (pero walang dugo) at pera ang puhunan ko magkaroon lang kami ng doorbell, tapos di pa rin gagana? Hindi makatarungan iyon.

So tinanggal ko ito sa pagkakakabit sa screen door. Inilipat ko ito sa sementong dingding, sa lugar na pinagkabitan ko ng nauna nang nahulog at nabasa. Sa wakas, gumana na siya. Nang mag-deliver ng pagkain ang Tapa King para sa brunch namin, tumunog ang doorbell. Masaya na ako. Makakapag-blog na ako.

Wish ko lang, hindi na ito mahulog at muling madiligan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts