Noong unang i-offer ng Unionbank ang EON Cyber Account, bentang-benta ito sa akin. Dahil wala pang credit card company na gustong mag-approve sa applications ko, ang EON Visa ang nagbigay ng kaunting katuparan ng aking pangarap na digital/cyberlifestyle sa dialup lang na connection ko noon. Gaya ng credit card, puwedeng gamitin ang EON sa pagbabayad online. Ang kaibahan lang, dapat ay may pondo ang cyberaccount mo para maisagawa ang transaksyon.
Asteeg na sana. Yun nga lang, tatatlo lang ata ang UnionBank sa buong Metro Manila kaya’t di ako makapag-deposit — at wala rin namang masyadong pan-deposit, kaya nag-expire lang ang account ko. Nang lumipat ang opisina namin sa Makati, kumuha ako ng isa pang account, pero ganoon din ang nangyari. Ngayon, ang cards nito ay bahagi na lamang ng aking collection.
Naalala ko ang EON dahil nabanggit ito kamakailan ni Tonyo, at dahil sa may katagalang downtime ng banking facilities ng Metrobank noong isang buwan. Ang mga ganitong downtimes ay bangungot para sa gaya kong active ang phone, SMS, at Internet banking at may Smart Money at Globe G-Cash kahit wala namang masyadong pondong mina-manage.
Dahil sa problemang ito sa Metrobank at sa personal na karanasan ko sa Banco De Oro noong isang buwan din, naisip kong di pa talaga handa ang Pilipinas sa cashless shopping.
Nang mag-grocery kami ni Migmig sa SM Clark noong isang buwan, dahil kapos na sa cash ay nagpasya akong gamitin na lang ang BDO ATM card ko. Tutal, dahil pag-aari kapwa ang BDO at SM ng iisang grupo, sigurado kakong di ako mahihirapan. Pero pagdating ng bayaran, nagmukha akong gago. Sa unang subok, namali ako ng PIN. Ang ikalawa at mga sumunod na attempts, invalid transaction daw. Tila nagduda na ang cashier kung sa akin nga ang ATM card — o baka naisip niyang wala itong laman. Yung kasunod ko sa pila, nainip at lumipat na sa ibang counter. Sabi ko, sige, magwi-withdraw na lang muna ako.
Parang tanga, di ba? Nasa BDO na yung pera, tapos kukunin ko pa para ibayad naman sa SM. So, hinila ko si Migmig sa pinakamalapit na BDO ATM kahit may pila — offline kasi yung ikalawang pinakamalapit na una naming pinuntahan. Mukhang di maka-withdraw yung mga nauna. Nang turn ko na, hindi raw maproseso ang transaction. Paano ako magbabayad? Bad trip lang kasi last year pa yung pagsasanib ng BDO at PCI Equitable pero hanggang ngayon, lagi pa ring down ang system nila.
Mabuti na lang, may cash akong 50 euro sa wallet ko. Pa-birthday sa akin yun ng Tita ko. Ayaw ko muna sanang ipapalit pero wala na akong choice. Ipinapalit ko iyon sa katabing forex. Saka ko lang nabayaran at nakuha sa customer service booth ang lampas isang libong piso lang na grocery ko.
Cashless shopping ba kamo? Asa pa you!

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 28, 2024
Converge Netflix Bundle revealed
New plan offers fast internet and vast entertainment options.
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
At sa tingin ko matututo din ang mga Pilipino sa mga online transaction. Meron naman mga site ngayon na ang main concern ay ang seguridad ng buyer at seller, isa na ang Auction.ph sa mga yon. http://www.auction.ph/
manu’s last blog post..Your Protection for Online Transaction!
Sa tingin ko di pa nga masyado handa ang Pilipinas sa cashless shopping. Mangilan ngilan lang ang nakakagamit nito. Pero sooner or later magiging laganap na din ito. Cgurado mag boom ito tulad ng TEXTING. Isang industriya din ang patuloy na lumalakas sa ngayon tulad ng online shopping. Pede gamiting pangbayad ang mga atm card, gcash at smartmoney.
manu’s last blog post..Your Protection for Online Transaction!
problema ko rin ito.. ayaw ko kasi yung mahaba ang pila.. parati kong iniiwasan yun lalo na sa mga atms.. kasi pwede mo namang gamitin yun pambayad di ba? at dahil masyado pa akong bata para magkaroon ng credit card.. nagtiyatiyaga na lang ako sa atm ko na BDO.. ginagamit ko to dati na pambayad ng tuition ko.. nitong summer class ko, hindi na raw pwede.. dahil magkaiba ang debit card sa credit card.. badtrip talaga! e bakit ko to nagamit dati pambayad? pinagwiwithdraw pa ako sa labas ng school!! badtrip talaga! alam kong wala naman akong gaanong alam sa process ek ek na yun pero sana wala nang hassle sa mga cashless shopping and transactions.. tsk tsk
http://hiraya.co.nr
Ganyan din ang naging problema namin sa Puerto Galera nitong nakaraang weekend.
Ang daming restaurant at mga bars, pero kahit isa walang tumatanggap ng kahit anong klaseng card. Tourist spot pa man din! Ay sus!
jhay’s last blog post..Problems with Globe 3G/GPRS & MMS