Nostalgia Manila mode muna ako.
Noong Biyernes na gabi, pagkagaling sa opisina ay naglakad lang ako pauwi. Hindi kasi ako agad makaisip ng lugar na makakainan. Lumampas na ako sa tapat ng tirahan ko, kaya’t kako’y sa isang manukan malapit na lang sa amin ako kakain. Nang patawid na ako, saka ko naalala na may Goodah!!! malapit sa doon. Nilakad ko ang direksyon papuntang Goodah!!! Kamuning.
Noong mid-90s at nasa kolehiyo pa ako, kumakain kami paminsan-minsan ng isang kabarkada ko sa Goodah!!! sa Katipunan. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkaalala, naisama pa namin minsan ang isang magandang kaklase namin sa Social Work (na nabanggit ko sa post na ito) na noo’y problemado sa puso, at inaliw namin siya sa Goodah!!! O baka naman nag-iimbento na lang ang alaala ko. Kalaunan ay nagsara ang branch na ‘yun.
Anyway, doon ako kumain ng late na hapunan. Kako’y pagkalipas ng maraming taon, makakatikim na ako ulit ng lutong Goodah!!! Kaso lang, wala ang specialty nilang tapa. Adobo rice na lang ang nilantakan ko. Busog akong umuwi.
Konti lang ang kumakain sa Goodah!!! Kamuning. Sayang, sa pagkakaalala ko’y okay pa naman ang tapa nila. At isa ito sa maraming mga ugnay natin sa 1990s.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
May 13, 2024
Savers Group celebrates partnerships, launches brands
Chairman Jack Uy also "passes the baton" to sons Jansen and Justine.
March 7, 2024
DHL Express rolls out more electric vehicles in PH
25 new EVs will reach provincial areas like Cebu, Subic, and Clark.
napadaan rin ako sa GOODAH KAMUNING kagabi, na order ko yung classic tapa sa wakas meron na at malaki ang serving…SULIT after gimik!!!
ang saya..
i miss Goodah!
and their super laking bowl na water tank!!
pao & aajao: Mukhang kokonti lang tayong nakakaalala sa Goodah!!! Di na kilala ng mga bata sa opisina, eh. Hehe.
Raspberry: Konti lang order ko. Tipid tips kasi naghihirap. Libre mo kami nina aajao at Kuya Cesar pag-uwi mo rito. :p
bikoy: Hindi mo na siguro naabutan yung nasa Katips. Batang-bata ka pa noon. Pag nadaan ka rito sa Kamuning, subukan natin. :p
naku hindi pa ata ako nakakakain sa goodah!!! hehe
bikoy’s last blog post..I should draw my line
Hindi pa yata ako nakakakain sa Goodah sa buong buhay ko. Mukhang masarap sa pagkaka-describe mo pero nung tiningnan ko yung picture, para yatang ang liit ng serving. Hindi yata pwede sa aking malakas kumain, hehe.
may goodah pa dito sa Libis. tabi ng shopwise. tulad ng sinabi ni pao, open din sya 25 hours a day.
aajao’s last blog post..samu’t-sari
Goodah! open 25 hours a day. 🙂 ahh, happy memories nung mga panahon na hindi pa kumplikado ang buhay.