Sa text ko sa ilang kaibigan, sabi ko’y “Ang pinsan ko’t kababata, pamilyadong tao na, samantalang ako’y tila musmos na naglalaro pa rin sa masalimuot na mundong ito.”
Sabay kaming lumaki ni Kuya Alidan, second cousin ko. Tatlong buwan lang ang tanda niya sa akin. Lumaki kaming magpinsan, magkabarkada, magkalaro. Sabay kaming nag-grade one at magkaklase kami sa halos buong elementary at high school — minsan lang yata kaming nagkaiba ng section. Minsan may konting tampuhan at selosan din, lalo na nung maliliit pa kami. Pero malakas ang buklod ng pamilya Penaflor kaya anuman ang mangyari, andyan pa rin kaming magpipinsan para magtulungan.
Alam namin ni Kuya Ali ang mga kwentong pururot ng mga batang pag-ibig at pangarap ng isa’t isa: ang sakit ng mga istorya ng pagkakabasted at siyempre, ganoon din ang mga tagumpay sa larangan ng puso. Kaya naman nasubaybayan ko ang kwento nila ni Ate Yolly. High school pa lang sila nang maging sila. Kasama ako minsan noon ni Kuya Ali kapag umaakyat siya ng ligaw. Medyo takot pa nga siya noon sa naging biyenan niya.
Sa loob ng humigit-kumulang walong taon, naging saksi ako sa ups and downs ng kanilang relasyon, at ang ang hiling ko noon, sana sa huli ay sila pa rin. Nangyari naman iyon. April 24, Miyerkoles nang ikasal sila sa Santo Tomas, Batangas. Tuwang tuwa ako habang tinitingnan sila ni Ate Yolly at tinutukso: “Uyy, pamilyado na kayo.” Sayang nga, hindi ako nakaabay. Siguro, sa kasal nila sa simbahan, matutuloy rin iyon.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…