Noong Sabado ang ikalawang linggo mula nang magpaturok ako ng second dose ng COVID-19 vaccine. Dahil diyan, considered fully vaccinated na ako.

Matagal din akong naghintay na mabakunahan. Medyo nahuli ang Pilipinas sa pagkuha ng COVID-19 vaccine. Noong mayroon na, una siyempre ang mga senior citizen at ang mga may iba pang sakit.

COVID-19 vaccine

Nang sa wakas ay puwede na ako, sa parehong araw pa ako nakatanggap ng notification mula sa opisina at sa LGU. Nakakuha ako ng slot sa Quezon City noong August 21, Ninoy Aquino Day. Sa office naman, sa isa sa mga araw ng linggong sumunod.

Excited na akong maturukan kaya pinili ko ang slot sa Quezon City. Masaya kaming sumugod sa Araneta Coliseum sa araw ng aking first dose.

Sa totoo lang, nang makita ko ang available brand, nagulat at medyo nadismaya ako. Mas mataas ang efficacy rate ng bakuna sa pinagtatrabahuhan ko noon.

Pero hindi ako umatras. Sabi kasi ng mga doktor, ang pinakamagandang bakuna ay ‘yong bakunang abot-kamay mo.

The Best COVID-19 Vaccine

Ganito rin ang sabi ng World Health Organization:

Take whatever vaccine is made available to you first, even if you have already had COVID-19. It is important to be vaccinated as soon as possible once it’s your turn and not wait. Approved COVID-19 vaccines provide a high degree of protection against getting seriously ill and dying from the disease, although no vaccine is 100% protective.

WHO

As of June 3, 2021, ito ang WHO-approved COVID-19 vaccines:

  • AstraZeneca/Oxford vaccine
  • Johnson and Johnson
  • Moderna
  • Pfizer/BionTech
  • Sinopharm
  • Sinovac

Ang tanong ng iba, bakit daw may mga bakunado pero nagkaka-COVID pa rin? Posibleng mangyari ‘yon. Pero ‘pag bakunado ka, mahawa ka man ay hindi ka magkakasakit nang malubha.

Minor lang ang side effects g vaccine sa akin. Sa ikatlong araw after ng first dose, sumama ang pakiramdam ko. Para akong lalagnatin. Para akong pagod. At medyo sumakit ang lalamunan ko. Pero paggising ko kinabukasan, okay na ulit ako.

Wala na akong naramdamang side effects after ng second dose. Ngayon, kahit paano’y mas confident na ako kung kakailanganing lumabas. Pero siyempre, todo-ingat pa rin tayo. Hindi pa rin kakalimutan ang face mask at alcohol. At adik pa rin ako sa paghuhugas ng kamay.

Kung hindi ka pa bakunado, ano pa ang hinihintay mo? Magpaturok ka na para maprotektahan ang sarili at mga mahal mo sa buhay.

Featured image by Surprising_Shots from Pixabay