Labor day bukas, Mayo 1. Karaniwang sigaw sa mga rally ang “Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!” Mga manggagawa, sa pangunguna ni Gat Andres Bonifacio, ang nanguna sa naantalang Himagsikang naghangad ng kalayaan ng Pilipinas. Ngunit mananatiling panaginip na lang kaya ang paglaya ng mga manggagawa mula sa hilahil ng kapitalismo? Kung ang P125 na pagtaas ng suweldo nga lamang ay patuloy na ipinagkakait ngayon sa mga anak ni Bonifacio, paano pa kaya ang kanilang tuluyang pagsulong?