Sa kanyang paglisan, ihinatid natin si Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng mga dilaw na laso.

Noong Agosto 1983, yellow ribbons din ang ipinansalubong ng mga Pilipino sa kanyang asawang si Ninoy.

Pinangunahan ni Salvador Laurel — na pagkatapos pagsapit ng 1986 ay magiging vice-president ni Cory — ang pagsalubong kay Ninoy. “Tie a Yellow Ribbon ‘Round the Ole Oak Tree” ang naging theme song ihinandang welcome, ayon kay Angela Stuart-Santiago, may-akda ng EDSA: The Original People Power Revolution.

Nagtali ang mga tagasuporta ni Ninoy ng yellow ribbons sa airport, sa mga poste at puno sa gilid ng kalsada para makita ni Ninoy kung gaano kasaya ang mga Pilipino sa kanyang pagbabalik. “It was sad that Ninoy never saw those ribbons,” ani Stuart-Santiago said. Pinatay si Ninoy pagbaba niya sa eroplano.

Ginamit ni Cory ang dilaw bilang kulay ng pagsalungat. Ito na rin ang naging kulay ng kaniyang presidential campaign at ng unang EDSA Revolution na nagpabagsak sa diktaturang Marcos.

Nang mapabalita noong isang linggo ang paglala ng kalagayan ni Pangulong Cory, nanawagan sa mga tao ang kanyang mga kaibigan na magtali ng dilaw na laso bilang tanda ng suporta at pagmamahal sa democracy icon. Kumalat ang text message na ito: “Rekindle the flame of democracy that Cory began. Believe that the Filipino is worth dying for. Tie a yellow ribbon today: Cory hindi ka nag-iisa!”

Maging sa Internet ay kumalat ang yellow ribbon. Sa kanyang blog, isinulat ni Stuart-Santiago na nauna nang nanawagan si Reyna Elena sa mga kapwa bloggers na mag-post ng yellow ribbons sa kanilang blogs para kay Cory.

“I might not agree with some of the things that she has done but that is beside the point. My respect is unconditional and I will thank this great woman for the biggest and most valuable gift that she has given us Filipinos — giving back our freedom and liberty,” ani Reyna Elena. Dinala rin ng kanyang group blog na Barrio Siete ang panawagan.

Bukod sa blogs, kumalat din sa social networks ang yellow ribbon. Sa mga Facebook friends ko, si Jonas Bagas ang una kong napansing naglagay ng yellow ribbon. Ang official website ni Tita Cory, nag-upload na rin ng yellow ribbon file na pwedeng gamitin sa social networks.

Samantala, noong July 28, nagtanong si Edwin Soriano kung paano madaling makapaglalagay ng yellow ribbon sa kanilang picture sa Twitter ang mga Pinoy. Ipinost din niya ang link papuntang Twibbon.com. Tiningnan ko ang site at saka ini-upload ang file ng yellow ribbon image galing sa WikiPedia para masimulan ang “Yellow Ribbon for Pres. Cory” campaign.

Hatid ng mga panalangin at mga dilaw na laso, noong Sabado, unang araw ng Agosto ay pumanaw ang dating Pangulo.

Sa gitna ng pagdadalamhati sa kanyang paglisan, lalong kumalat ang mga dilaw na laso para kay Pangulong Cory. Sa World Wide Web, ang mastheads at logos ng mga websites ay nagkaroon ng yellow ribbons. Lalong dumami ang gumamit ng mga dilaw na laso o larawan ng dating Pangulo bilang main profile picture sa Facebook. Libo-libo ang sumali sa kanyang Friendster fan page.

Libo-libo naman ang sumali sa Yellow Ribbon for Pres. Cory. Na-feature din ito sa telebisyon:


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Habang sinusulat ito, makikita pa rin sa mga lansangan ang yellow ribbons na tanda ng pagmamahal at pasasalamat natin sa kahangahangang babaeng namuno sa laban para sa pagbabalik ng demokrasya. Samantala, ang Twibbon campaign sa Twitter para sa kanya ay sinusuportahan na ng mahigit 16,000 tweeple.

Noon at ngayon, ang dilaw na laso para kina Ninoy at Cory ay bahagi ng ating kasaysayan — at patuloy pa ring gumagawa ng kasaysayan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center