(Isinulat habang nakikinig sa “Kapag Nananalo ang Ginebra” ni Bayang Barrios)
Nitong nakalipas na finals ng NBA, tinanong ako ng isang katrabaho at Facebook friend: Celtics daw ba ako o Lakers? Kako’y wala akong bet. Dalawang koponan lang sa basketball lang kako ang kilala ko: Ginebra at UP Maroons.
At sino ba naman ang di nakakakilala sa Ginebra? Añejo pa lang iyan noong elementary ako. Weird nga kasi ang mga kaklase ko, puro Purefoods ata at iilan lang kaming kampi sa team ni Coach Jaworski. Pero wala na akong masyadong balita sa kanila ngayon.
Saka di ako magaling sa basketball. Ni hindi nga ako marunong maglaro. Noong high school, sinubukan ng bestfriend ko na turuan ako, at kontodo moral support at mala-cheering squad ang mga kaibigan naming babae, pero hingal ang inabot ko.
Noong nasa kolehiyo na ako, PE 1, chess, camping at bowling ang PE ko. Pero kahit di athletic, siyempre pagdating sa UAAP, gaya ng ibang taga-UP ay makikipagsigawan din ako para sa UP Fighting Maroons — ang koponan ng Unibersidad sa UAAP basketball. Eh ano kung di sila masyadong nananalo?
Noong 2004, nagtala ang UP Maroons ng anim na sunud-sunod na panalo. Kahit hindi pa rin naging matagumpay nang taong iyon, kahit paano’y nagsimulang bumawi ang koponan. Pero, noong isang taon ay walang naipanalo ang team.
Nitong Linggo, napanood ko sa telebisyon ang pinakaunang laro nila sa UAAP ngayong sentenaryo ng pamantasan. Medyo maingay akong manood at napapabulalas ako ng mga salitang karaniwang expresyon sa amin sa Marinduque: “Gama, gama!” “Tingni pa a!” “Yano baya naman, ee!” Saka napadalas ang updates ko sa Twitter.
Lalo akong na-excite nang ang resulta ay tinambakan ng UP Fighting Maroons ang National University Bulldogs, 86-72. Paunang pasabog pa lang iyan ngayong ikasandaan!
Updated December 7, 2018 to correct formatting, update links, and add featured image. See original version of the post.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
Wohoo! Congrats sa UP Fighting Maroons sa kanilang unang panalo ngayong UAAP season. Sa wakas, tagumpay!