Inabangan ko ngayong taong ito na mag-expire yung kauna-unahang domain name ko, ang ederic-dot-net. Nawala ito sa akin dati dahil hindi ko na-renew. Wala pa akong credit card noon, at laging walang pera (parang ngayon, hehe). Tingin ko, asteeg yung domain dahil first name ko lang iyon kaya’t mas maiksi at madaling tandaan.

Kahit bad trip ako sa GoDaddy dahil ayaw nila dating tumanggap ng mga credit card na galing sa Pilipinas, sinubukan ko ang domain backorder service nila. Mas mura kasi. Di kagaya roon sa malalaking company na kailangan ko ng at least $60. Ang masakit dito, hindi nila nakuha ang domain name ko. Naunahan pa rin ako ng iba. Kaya kung may lumang link kayo papunta sa ederic-dot-net, pakitanggal na lang, para di na makinabang sa backlinks ang damontres na kumuha nito.

Samantala, may isang taon ko na rin yatang pag-aari ang EdericEder.com. Dati ay inire-redirect ko ito sa lumang URL ng blog ko. Dahil nga sa di ko nakuha ang unang domain name ko, ito na lang at ang ederic.org ang puwede kong pagpilian para maging ika nga ni Jeff ay TLD (o top-level domain) na ang URL ng blog ko. Kinunsulta ko si Mhay at ang ilang kaibigan at cyberfriends sa Twitter. Kahit mas maikli ang ederic.org, mas type nila ang EdericEder.com — mas personal kasi. Sabi pa nga ni Tonyo, para pareho na rin kami (na complete name ang TLD). Itong dot-com din ang pinili nina Karla at McBilly.

Naisip ko rin namang para sa mga di masyadong techie na netizen, mas una nila talagang iisipin ang dot-com. Kung ederic.org ang gagamitin ko, baka ederic-dot-com (na nawala na rin sa akin dati pa, at sumuko na akong makukuha ko pa), ang i-type nila sa browser. Saka di naman ako organization para gumamit ng dot-org.

Kaya nga ngayon, nasa EdericEder.com na ang ederic@cyberspace. Nagulat pa nga ako sa bonus, dahil pagkalipat ko ng files sa EdericEder.com, nakita ko sa Google Toolbar ko na mayroon itong Google PageRank 4. Asteeg, di ba?

Siyanga pala, dito pa rin magre-redirect ang ederic.org at ederic.tinig.com. Yung Titik ko (Titik ni Ederic), nasa ederic.tk naman.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center