Kapag nananalo ang UP Fighting Maroons…

(Isinulat habang nakikinig sa “Kapag Nananalo ang Ginebra” ni Bayang Barrios)

Nitong nakalipas na finals ng NBA, tinanong ako ng isang katrabaho at Facebook friend: Celtics daw ba ako o Lakers? Kako’y wala akong bet. Dalawang koponan lang sa basketball lang kako ang kilala ko: Ginebra at UP Maroons.

At sino ba naman ang di nakakakilala sa Ginebra? AƱejo pa lang iyan noong elementary ako. Weird nga kasi ang mga kaklase ko, puro Purefoods ata at iilan lang kaming kampi sa team ni Coach Jaworski. Pero wala na akong masyadong balita sa kanila ngayon.

Saka di ako magaling sa basketball. Ni hindi nga ako marunong maglaro. Noong high school, sinubukan ng bestfriend ko na turuan ako, at kontodo moral support at mala-cheering squad ang mga kaibigan naming babae, pero hingal ang inabot ko.

Noong nasa kolehiyo na ako, PE 1, chess, camping at bowling ang PE ko. Pero kahit di athletic, siyempre pagdating sa UAAP, gaya ng ibang taga-UP ay makikipagsigawan din ako para sa UP Fighting Maroons — ang koponan ng Unibersidad sa UAAP basketball. Eh ano kung di sila masyadong nananalo?

Continue reading

Laban, UP Fighting Maroons!

University of the Philippines

“Hinihintay ko ang bawat laro ng koponan nating naghihingalo…”

Ganyan ang linya namin noong nasa kolehiyo pa lang kami. Paano kasi’y laging kawawa noon ang basketball team ng UP Naming Mahal.

Photo by Karl de Leon from Mimi Abesamis' album at photo.phHah, hindi na ngayon! Mabalasik nang lumalaban ang UP Fighting Maroons ngayon.

Kahapon nga, sa office, sobrang na-excite kami sa laban ng Maroons at Blue Eagles. Nakakanerbyos! Pero sa bandang huli, nangibabaw tayong mga taga-Peyups. Continue reading