Hindi raw pala na-hack ang websites ng Department of Justice, PNP Criminal Investigation and Detection Group, at Information Technology and E-Commerce Council, na na-redirect sa Enchanted Kingdom website.
Ito ang paliwanag ng Philippine Long Distance Telephone Co. na may-ari ng Infocom, ang Internet Service Provider na nagho-host ng websites ng DOJ, CIDG, at ITECC, ayon sa ulat ng Inquirer.net.
Nagkaroon lang daw ng aberya sa configuration ng hosting ng mga nasabing government website kaya napunta sa EK ang mga ito.
Sinang-ayunan naman ito ng Internet Hacking and Warfare, isang grupo ng mga Pilipinong hacker, at ni Abe Olandres, may-ari ng PlogHost, nag nagho-host ng maraming Pinoy blogs. Sa kanyang Yugatech blog, may si Abe.
Kung ganoon man ang nangyari, nakakatawa pa rin ang coincidence na sa EK sila napunta.
***
Samantala, sa balitang showbiz naman, itinanggi ni Marky Cielo na kilala bilang si Green Zaido sa palabas na Zaido: Pulis Pangkalawakan, na nililigawan niya si Kris Bernal, na gumaganap naman bilang Amy at nauugnay ngayon kay Aljur Abrenica, ang Red Zaido.
May mga balita raw na nagseselos na si Aljur kay Marky dahil sa panliligaw umano ng huli kay Kris. Gawa-gawa lang kaya ang mga isyung ito para mas ma-excite ang manonood at isiping nagkakatotoo na nga ang nagaganap na selosan sa pagitan nina Green Zaido at Red Zaido.
Weird. Puro bata kaya (at ilang isip-bata gaya ko) ang audience ng Zaido. Pakialam naman namin sa mga lovelife nila? Eh noong bata pa nga ako, tingin ko hindi naman namin iniintindi kung may relasyon sina Shaider (o Alexis) at Annie. Mas concerned kami noon sa panty ni Annie. Hehe.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 3, 2025
BRGY S2S susugod sa Quezon City
Novaliches, ang unang susugurin ng BRGY S2S ngayong 2025.
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
kung hindi hack, magkano kaya ang binayad ng EK para sa dagdag na publicity? 🙂
Mas bata ka pa kasi siguro, hehe. Sexy star na ngayon ang Annie namin noon. :p
Lupet ha, delete all. :p
di ko nga kilala si annie 😀 wahahaha! amf kala ko na hack na talaga. kung may manghahack sa site.. hack talaga na hack delete all data hehehe 😀
[…] online community. The best part is … it’s all 100% free! Check them out here: Join Hey Nielsen! Hindi raw pala na-hack ang government sites saved by 1 others SwapyWhoopedazz bookmarked on 01/06/08 | […]