Marky Cielo, 20

Marky Cielo bilang Zaido Green

Marky Cielo bilang Zaido Green

Pumanaw kanina ang artistang si Marky Cielo, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal.

Si Marky Cielo, 20, artista ng Kapuso Network, ay sole survivor ng Starstruck season 3 noong 2006. Bukod sa paglabas sa TV shows, magaling din siyang dancer.

Gumanap si Marky na Alexis del Mundo o Zaido Green sa palabas na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Based ang Zaido sa istorya ng paborito kong Shaider, na sikat na sikat sa Pilipinas noong 1980s.

Nagluksa ang maraming Pinoy fans ng Shaider nang pumutok sa Pilipinas ang balitang namatay na si Hiroshi Tsuburaya, ang aktor na gumanap bilang Alexis o Shaider, noon pang 2001. Biyernes Santo noong 2002 naman nang gulatin ang bansa ng pagkamatay ng aktor na si Rico Yan habang natutulog.

Narito ang statement ng GMA Network, galing pa rin sa PEP:

Continue reading

Hindi raw pala na-hack ang government sites

Hindi raw pala na-hack ang websites ng Department of Justice, PNP Criminal Investigation and Detection Group, at Information Technology and E-Commerce Council, na na-redirect sa Enchanted Kingdom website.

Ito ang paliwanag ng Philippine Long Distance Telephone Co. na may-ari ng Infocom, ang Internet Service Provider na nagho-host ng websites ng DOJ, CIDG, at ITECC, ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Nagkaroon lang daw ng aberya sa configuration ng hosting ng mga nasabing government website kaya napunta sa EK ang mga ito.

Sinang-ayunan naman ito ng Internet Hacking and Warfare, isang grupo ng mga Pilipinong hacker, at ni Abe Olandres, may-ari ng PlogHost, nag nagho-host ng maraming Pinoy blogs. Sa kanyang Yugatech blog, may si Abe.

Kung ganoon man ang nangyari, nakakatawa pa rin ang coincidence na sa EK sila napunta.

Continue reading

Paskuhang Kapuso

Posted by mobile phone:
Para hindi bahain ang inbox at timeline ng mga kaibigan ko sa Twitter, dito na lang ako sa blog ko magkukuwento ng mga nangyayari rito sa Kapuso Christmas party na punung-puno ng mga bituin.

Kababalik lang namin ni Mhay sa table namin matapos magpalitrato kasama si Iza Calzado.

Continue reading

Zaido

Gusto ko sanang manood ng press launch ng Zaido kanina. Kaya lang, nung tumambay na ako sa labas ng studio pagkatapos ng trabaho, medyo nailang ako dahil ayokong magmukhang engot na nakatunganga roon. Kaya sa halip na manatili para maghintay na dumating ang mga naka-costume na artista, umuwi na lamang ako.

Pero bakit big deal at kailangan pang i-blog?

Unawaing isa akong Shaider fan na noong bata pa’y nakikipangapit-bahay para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni Shaider at masilip ang panty ni Annie. Nalungkot ako nang mabalitaan ang pagpanaw ni Hiroshi Tsuburaya, ang gumanap na Shaider, at nang malamang ngayo’y di lang panty ang ipinapakita ni Noemi Morinaga, ang gumanap na Annie.

Continue reading