Ngayong gabi ang huling labas ng Zaido sa telebisyon. Narito ang mga larawang nahingi ko sa Kapuso Network. Hindi ko ito na-post noon dahil wala pa ang ibang mga karakter, at hindi na rin sumagot sa e-mail ko ang nagpadala ng mga ito.
Copyright © 2007 GMA Network, Inc.
Ayon sa pagkakasunud-sunod:
Dennis Trillo bilang Gallian / Zaido Blue
Marky Cielo bilang Alexis / Zaido Green
Aljur Abrenica bilang Cervano / Zaido Red
Eto naman ang press release nila noong ilunsad ang Zaido. Ipino-post ko ito as is.
ZAIDO, Pulis pangkalawakan
Mga bagong bayani ng GMA telebabad
Muli na namang magpapasiklab ang GMA Network sa paghahandog nito ng telefantasyang sasaklaw mula daigdig hanggang sa kalawakan, ang ZAIDO, Pulis Pangkalawakan. Kasama ng Toei, ipinagmamalaking ihandog ng GMA-7 ang kauna-unahang Metal Hero Series na gawang Pinoy sa nangunguna nitong GMA Telebabad simula Sityembre 24.
Base sa sikat na Shaider noong 80s, ang kwento ng Zaido ay magsisimula sa kagitingan ni Shaider, ang dugong mandirigmang nakapuksa sa malawakang pananakop ni Le-ar, ang hari ng mga Kuuma at may-dala ng walang hanggang kahirapan sa lahat ng kanyang nasasakupan. Nangingibabaw ang kapayapaan at kaligtasan sa ilalaim ng proteksyon ng dakilang Shaider. Ngunit napakaraming taon matapos ang tagumpay ni Shaider, nakasagap ang Galactic Force (ang special elite protectors ng buong kalawakan) ng balitang nagbalik si Le-ar! Nakasalalay ngayon sa angkan ni Shaider, kung saan patuloy na dumadaloy ang kanyang dugong bayani, para tuluyang puksain si Le-ar. At dito magsisimula ang bagong yugto sa kwento ng kagitingan, at makikilala na ang bagong henerasyon ng mga Pulis Pangkalawakan.
Ang primetime blockbuster na ito ay pinangungunahan ni Dennis Trillo bilang Gallian, ang kauna-unahang hinirang na Zaido, ang pinakamataas na ranggo ng Pulis Pangkalawakan. Maagang naulila si Gallian dahil sa pananakop ni Le-ar kaya’t kinupkop siya ng Galactic Force. Dahil sa dugong bayaning nananalaytay sa kanya, nagpamalas siya ng kakaibang galing sa pakikidigma. Bilang Blue Zaido, pinuno ng mga Zaido, siya ang inatasang hanapin ang iba pang Zaido sa mundo at ipaglaban ang buong sandaigdigan. Dito niya makikilala si Alexis (Marky Cielo) na nagmula sa kahirapan. Nasaksihan niya ang pagpatay sa ama kaya’t sumumpa siyang susupilin ang kasamaan. Naging isa siyang pulis ngunit inaapi siya ng mga taliwas na kasamahan. Kapag natagpuan siya ni Gallian, si Alexis ang magiging Green Zaido. Samantala, makikilala rin ni Gallian si Cervano (Aljur Abrenica) na laki sa yaman. Kahit mayabang, hambog, at mainitin ang ulo, habulin siya ng mga babae dahil sa pagiging champion swimmer. Isang araw, may magaganap na susubok sa kanyang kalooban. Kapag nakita na ni Gallian, si Cervano ang magiging Red Zaido. Kapag nagsama-sama, sina Gallian, Alexis, at Cervano ang bubuo sa Zaido, Pulis Pangkalawakan!
Puspusan ang gagawin nilang paghahanda sa ilalim ng pamumuno ni Commander Zion (Ian de Leon), pinuno ng Galactic Force. Makakasama nila sa Galactic Force Academy sina Lyka (Karel Marquez), anak ni Commander Zion na nagtuturo sa Galactic Force Academy, at assistant at bawal na pag-ibig ni Gallian; at Amy (Kris Bernal), isang estudyante ng Galactic Force Academy na pag-aagawan nina Alexis at Cervano. Maging sapat kaya ang kanilang paghahanda para mailigtas ang mga mahal nila sa buhay kasama ang buong daigdig?
Ang powerhouse cast ng Zaido ay kinabibilangan ng pinakamahusay at pinakarespetadong mga pangalan sa telebisyon, sa pangunguna ni Raymart Santiago bilang Alvaro, butihing kapatid ni Alexis na mapipilitang kumapit sa patalim para buhayin ang pamilya, ngunit isang araw ay bigla na lang dadakpin ng isang grupo ng ‘di makilalang kalalakihan; Tirzo Cruz III bilang Ramiro, na magsisilbing haligi ng pamilya ni Alexis nang mamatay ang ama ngunit kaduda-duda ang kinikilos sa kabila ng kabaitang ipinapakita; Diana Zubiri bilang Carmela, girlfriend ni Alvaro hanggang sa ito ay mawala, at isang araw ay makikilala si at iibig kay Gallian; Dion Ignacio bilang Thor, pinsan at kasamahan sa kapulisan ni Alexis na walang ginawa kundi pahirapan ang buhay ni Alexis, at na mas iigting ang panliligaw kay Carmela sa pagkawala ni Alvaro; Lovi Poe bilang Mona, isang manunulat na kababata ni Alexis at may lihim na pagmamahal sa binata; Robert Villar bilang Oggy, bunsong kapatid ni Alexis; at Ms. Lorna Tolentino, sa natatangi niyang pagganap bilang Helen, ang mapagmahal na ina nina Alexis, Alvaro, at Oggy na may itinatagong madilim na lihim tungkol sa isang anak na babago sa kapalaran ng mga Zaido.
Lalo pang magiging makulay ang nakamamangha at nakabibilib na series na ito dahil sa makamandag na mga kontrabidang gagampanan ng mahuhusay na aktor, sa pangunguna ni Jay Manalo bilang Drigo, field commander ni Le-ar na namumuno sa pag-atake ng mga Kuuma sa daigdig; Paolo Ballesteros bilang Ida, apo at taga-payo ni Le-ar at high priest ng mga Kuuma na hinirang na pinakamagandang nilalang sa buong kalawakan ngunit sa ilalim ng kanyang walang kapintasang kaanyuan ang isang nabubulok na budhi; at ang bumubuo sa naggagandahang mga Amasona: sina LJ Reyes bilang Amasonang Lila, Iwa Moto bilang Amasonang Itim, Melissa Avelino bilang Amasonang Rosas, Arci Muñoz bilang Amasonang Puti, at Vaness del Moral bilang Amasonang Kahel.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, ipinagmamalaki ng Zaido ang isang produksyong pangkalawakan ang kalidad, mula sa makapigil-hiningang istorya hanggang sa state-of-the-art props, costumes, at set design na likha ni Rodel Cruz at ng Creative Native Studio; nakamamanghang visual effects na gawa ng Riot, Inc.; at nakabibilib na stunts. Abot-langit ang preparasyong ginugol ng GMA-7 production group para buhayin ang bagong Pulis Pangkalawakang titingalain ng lahat.
Darating na ang Zaido, Pulis Pangkalawakan sa Philippine television simula ngayong Sityembre 24, at mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa di-matinag-tinag na GMA Telebabad.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.
[…] si Marky na Alexis del Mundo o Zaido Green sa palabas na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Based ang Zaido sa istorya ng paborito kong Shaider, na sikat na sikat sa […]
muzta ka
na sana makita kita
kita
kaza solid
no.1
kah za
ken
wag kang
papagutom
d2
nalng mahal2 kta
Wow! Ang galing naman!Paborito ka talaga ang mga Zaido! Especially si Kris Bernal bilang Amy!Una pumunta ako sa website nang KAI(Kung ako ikaw) pagkatapos nakita ko ang Zaido na shock ako na makikita ko ang description!Ang galing naman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Agree with Jhay! Pero in fairness, natutuwa ako sa time space warp ng GMA 7… sana mas maganda pagkagawa ng mga monsters though
ei..i was able to watch the last episode..hehe. crush ko kc si dennis rtillo eh. if not for him..honestly i wont even watch this. fan ako nu shaider talaga and wala naman kasi binatbat zaido sa shaider. kahit mas luma ang shaider parang mas maganda pa rin panoorin yun. no offense. weheheh
Hehehe. :p
Sa wakas tinapos na din nila. Yehey! Hustisya para sa mga sentai fans.
*Peace tayo ha, lol