Posted by mobile phone:
Para hindi bahain ang inbox at timeline ng mga kaibigan ko sa Twitter, dito na lang ako sa blog ko magkukuwento ng mga nangyayari rito sa Kapuso Christmas party na punung-puno ng mga bituin.

Kababalik lang namin ni Mhay sa table namin matapos magpalitrato kasama si Iza Calzado.

Tapos na ang speech ng aming pangulo, si Atty. Felipe Gozon, at kasunod ng kanyang year-end state of the station report at masayang balita (bonus!) ay sumambulat ang makukulay na liwanag ng mga pailaw kasabay ng mga himig Kapuso.

Habang isinusulat ko ito, puno ang paligid ng hiyawan dahil nagpapa-raffle si Manny Pacquiao ng P10,000 at tumakbo na sa stage ang nanalo. Siyempre, ang sigaw ng marami ay “More! More!” Na-pressure tuloy ang Pambansang Kamao na magpa-raffle ulit ng dalawa pa. Ayan, dahil daw birthday niya, humirit pa si Manny ng dalawa pa ulit.

Hindi ko nakita nang malapitan si Marimar (Marian Rivera), pero nagsalita siya sa harap. Magkakasya na lang kaya ako sa Marimar banner sa kaliwa namin?

Kanina, dumaan sa tapat namin sina Amy (Kris Bernal) at Red Zaido (Aljur Abrenica), pero nahiya akong magpakuha. sabi ko kasi, aabangan ko kapag may mga dumaang artista, at magpapalitrato ako. Narito rin si Maxene Magalona ng Kamandag, at dumating na rin si Angelica (Katrina Halili).

TGIF ang pinili naming pagkain, pero di ako masyadong nakatsibog dahil medyo busog pa.

Samantala, maghihintay muna kami ng iba pang prizes. Sumasayaw na sina Marky Cielo at Ryza Cenon ng StarStruck. Maya-maya, On the Spot na ng Eat Bulaga.

Sana manalo kami sa raffle at ang News and Public Affairs sa presentation.

Christmas party nga rin ngayon ng Mapalad.org. Kumusta kaya roon?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center