Image(825)Bahagi ito ng isinulat ko noong 2005 sa kolum ko sa Pinoy Gazette:

Siguro’y sadya akong jologs, o masugid na tagasubaybay lamang ng Pinoy Pop culture. Kaya naman noong nag-aaral pa ako sa UP, inaabangan namin ng kaibigan kong si A ang pagdaan ni Jolina Magdangal sa tapat ng silid na pinagkaklasehan namin. Inisip pa nga yata naming mag-sit in sa klase ng ilang kabarkada namin dahil classmate nila ang sikat na Ang TV kid.

Siguro’y concerned lang ako, o sadyang pakialamero. Pero nang lumipat si Jolina sa AMA, nagulat ako. Sa isip-isip ko, ala’y nasa UP ka na, pupunta ka pa sa AMA. Pero ganyan talaga. Baka na-bad trip lang ako dahil nabawasan kami ng kaeskuwelang artista.

Pero sabi ko nga, nakakaaliw ang laro ng panahon at pagkakataon.

Ngayong nagtatrabaho na ako sa Kapuso Network, siyempre’y araw-araw ko nang nakakasalubong maging ang mga maniningning na bituin ng pinilakang tabing. Kamakailan lamang, nalaman kong liliban nang ilang araw ang newscaster na si Pia Guanio, ang nagbabalita ng Chika Minute para sa 24 Oras news broadcast ng GMA-7. At dahil si Jolina ang napiling pansamantalang papalit, di gaya ng dating inaabangan pa namin si Jolina, ngayo’y andiyan lang siya sa kabilang cubicle at kausap ang mga boss namin.

At di lang isa nang Kapuso si Jolina. Ngayon, blogger na rin siya. Ginamit ko lang intro ang bahagi ng article ko para ibalita sa inyo ang pagpasok sa Pinoy blogosphere ng isa sa mga kilalang artista ng pinagkakatiwaalan nating Kapuso network.

“Chuvachika ni Jolina” ang pangalan ng bagong blog ni Jolina sa Philippine Entertainment Portal. Ang most recent post niya ay Pahabol sa Pasko.

Salubungin natin siya at kung nais ninyo, ay yayain na rin ating blogger events.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center