Natawa ako nang mabalitaan kong ang website ng Department of Justice ay nare-redirect ngayon sa website ng Enchanted Kingdom, ang pinakasikat na theme park sa Pilipinas.
Pang-asar kaya ito ng hackers sa Enchanted Kingdom sa ilalim ni Reyna Gloria?
Sa isang talumpati sa 27th National Conference of Employers noong Mayo 23, 2006, sinabi ni Gloria: “When we say “survive, compete, succeed,” as Francis said, we’ve shown we can survive. Now we must compete and then succeed. Then we will be in the Enchanted Kingdom.”
Dagdag pa niya: “Let us stay together. Let us dream together. And what do I mean by being in the enchanted kingdom? We can operationalize that. Let’s be among the First World countries in 20 years.”
***
Samantala, sa balitang showbiz, dalawang buwang buntis si Jennylyn Mercado at papakasalan siya ni Patrick Garcia, na tatay ng nasa sinapupunan niya.
“Nang kumpirmahin ng staff ng showbiz talk show ang balitang buntis si Jennylyn, inamin naman daw ito agad ng young actor. Idinagdag pa ni Patrick na pananagutan niya ang dinadala ni Jennylyn,” ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal.
Wala nang pag-asa, kung gayon, ang tambalang Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
@aajao: tumigil na yata sila 😀
@raspberry: hmmm, ano nga ba ang maaaring gawin ng network? kung magkaroon sana kami ng youth-oriented program na parang Y-Speak.
@Rick and Arbet: Hindi raw pala hackers ang may kasalanan. May explanation sina Abe Olandres. Pero nakakatawa pa rin.
@ambo: minsan-minsan, may mga showbiz posts tayo hehe
hmmmm can’t wait kung sinong responsible jan sa hacking na yan. teka, mukhang showbiz tayo ngayon kapatid! ayos ah!
@ raspberry yun nga ang isang bagay na hindi maganda sa show business. they are seen by the public and their lives are (almost) open to all tapos ganun ang ipapakita nila. maganda yung ginawa ng Disney na nabanggit mo dito sa comment. may responsibility sila sa public. sana ginagawan nila ng hakbang para maging positive ang outcome ng isang bagay na pagkakamali… well, at least yung teenage pregnancy.
Whoever did the hacking – bloody brilliant! Now if only they can do that to the OP Web site….
oo nga, nagulat nga ako bakit biglang naredirect, akala ko namali lang ako ng pagtype ng URL. and si jennylyn, diba may video yan dati, yung nasa banyo? kumalat yung sa cellphones eh, ewan ko kung nakita mo na.
Another buntisan issue…. baka marami na namang gumaya…. Sabagay sa US, nandyan si Jamie Lynn Spears (kapatid na nakababata ni Britney) na preggy din sa boyfriend na non-showbiz. Pero biglang umaksyon ang Disney dahil under contract sa kanila si Jamie sa kanilang show na Zoey 101. Sinabi nila that they would use this opportunity to talk about adolescent pregnancy and they invited expets on the topic, so teenagers would be more educated on the consequences. Ano kaya gagawin ng GMA 7 sa ganitong issue? May responsibility sila sa public.
[…] Thanks to Ederic for the heads up! […]
hehehe.. kahapon lang ay nagbabasa ako ng isang PinoyExchange thread tungkol sa petition ng ilang PExers na gumanap bilang Darna si Jennylyn. eh sa ibinalita mo dito, kumusta naman kaya ang mga petitioners? 😛