Binigyang-diin ng pandemya ang kakulangan ng common sense o sentido komun ng ilan sa mga nagpapatupad ng mga alituntunin sa Pilipinas.
Ano ang common sense o sentido komun — na binabaybay rin na sintido kumon? Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ito ay ang “mahusay at praktikal na pasiya batay sa karanasan.”
Sa aming barangay, nagtayo ng check point ang mga awtoridad para makontrol ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa aming sitio. Makatutulong ito upang ‘di makarating ang COVID-19 sa amin.
Kaya lang, pati ang mga delivery ng Shopee, foodpanda, GrabFood, at iba pa ay pinagbabawalan nang pumasok. Para makuha ang delivery, kailangan ko pa ngayong lumabas sa aming bahay at pumunta sa may checkpoint — kung saan madalas ay may mga nakatambay na mga kabaranggay.
Malapit lang naman sa amin ang checkpoint. Pero ‘di ba kaya may quarantine para huwag lumabas ang mga tao liban na lamang kung talagang kailangan? Nagpa-deliver pa ako, lalabas din naman pala ako. Ang nasasabi ko na lang, “common sense left the group.”
‘Di ito nalalayo sa pagbabawal dati pati sa mga mag-asawa na lumabas nang magkaangkas sa motorsiklo. Kung walang public transportation, wala kayong kotse pero may motorsiklo, at malayo sa inyo ang trabaho ng asawa mong ‘di marunong magmotor, siguro naman, ihahatid mo siya, ‘di ba? Hindi naayon sa sentido komun na pagbawalan kayong magkadikit sa motorsiko, eh gaya nga nang paulit-ulit nang nasabi, magkatabi naman kayong matulog sa bahay.
Ganyan din ‘yong barrier sa motorsiko na pilit na ipinatutupad ngayon. Parang sa halip na makatulong, dagdag na panganib pa ang hatid nito — lalo na kung aksidenteng sumemplang ang mga nakasakay.
Minsan, ‘di mo maiwasang isipin na nagpapatupad ang mga awtoridad ng mga ganitong patakaran para lang masabing may ginagawa sila.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…