Nakaka-LSS itong “‘Di N’yo ba Naririnig,” na salin sa Pilipino ng “Do You Hear the People Sing” mula sa “Les Miserables.”

Kasama sa mga kumanta sa video ay ilang mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Una kong narinig na kinanta ito sa mga video mula sa anti-dictatorship rally sa Rizal Park noong Setyembre 21, 2017. Araw ‘yon ng paggunita sa martial law ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

In-organize ng Movement Against Tyranny ang pagtitipong iyon. Binatikos ng mga nagprotesta ang extrajudicial killings at nanawagan silang tigilan ng gobyerno ang paniniil sa mga mamamayan.

Narito ang lyrics at credits ng kantang ito, na gaya ng video ay nakuha ko sa Voyage Studios:

‘Di n’yo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
‘Di muli palulupig

Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab

Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag

‘Di n’yo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
‘Di muli palulupig

Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab

Ikaw ba ay dadaing na lang
Kimi’t magmumukmok
Habang nagpapakasasa
Ang mga trapong bulok
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok

‘Di n’yo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
‘Di muli palulupig

Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab!
Magliliyab!


(“Do You Hear the People Sing” from “Les Miserables” by Claude-Michel Schönberg, Alain Boublil, Jean-Marc Natel and Herbert Kretzmer)

Filipino Translation by Vincent A. de Jesus
Additional lyrics by Rody Vera and Joel Saracho
Musical Arrangement by Vincent A. de Jesus

Music Producer: Paulo Zarate of Studio Z
Video Producer: Chuck Gutierrez of Voyage Studios
Executive Producer: Noel Ferrer
Creative Producer: Baby Ruth Villarama
Cinematographer: Dexter dela Peña

Photos by Raffy Lerma, Neil Daza & Chiara Zambrano