Hindi ko na maalala kung tatlo o apat na araw na ba akong umaga na natutulog. Umaga, na ang ibig sabihi’y lagpas nang ika-walo ng umaga. Medyo naiba kanina, dahil ika-apat pa lamang ay tumba na ako. Pero hindi ‘yan dahil sa kape. Lalong hindi dahil sa sex (ano ‘yun?) o kaya’y sa drugs!

Dahil sa Internet? Ah, magaling kang humula! Kilala mo na nga ako, ang cyberboy na wala nang buhay sa labas ng kanyang virtual na daigdig.

Oo, adik na naman ako sa Net. “At kailan naman naging hindi?” Siguro’y maitatanong mo. Oo nga naman. 1997 pa lamang, kumapal na nang husto ang resibo ko sa Sesinet, yung Internet cafe kung saan ko nakuha ang pinakaunang e-mail address ko, ang ederic[at]mailcity[dot]com.

Noong unang gabi ng pagpupuyat, pinilit kong makumpleto ang upload ng latest issue ng Tinig.com. Tapos ay pinasadahan ko naman ang hitsura ng Filipino Youth for Peace, at kagabi ay namasyal sa mga space ng aking cyberfriends, at nakipangapitbahay sa ibang online communities.

Naisara ko na si Marj kagabi–o kaninang madaling araw–at nagdesisyong magsimula nang magbasa ng aklat. Ngunit sa ‘di ko maipaliwanang na dahilan ay natagpuan ko na naman ang sarili kong kaulayaw ang aking computer, hanggang sa nililinlang na ako ng aking mga mata’t tila lumapit-lumayo, lumiliit-lumaki na ang tingin ko sa monitor. Saka pa lamang ako napahinto.

At oo, kagigising ko lang dalawang oras pa lamang ang nakalilipas.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center