Think before you click

Think Before You Click (GMA News)

Ang internet at social media, para ding tabak na may dalawang talim. Depende sa paggamit, maaari itong magdala ng ikabubuti mo at ng ibang tao, pero puwede rin itong maging mitsa ng kapahamakan.

Sa isang banda, nagbukas ito ng maraming oportunidad. Ang mga nauna sa Internet, gaya nina Jerry Yang at David Filo na mga nagtatag ng Yahoo! — isang iconic brand sa internet — ay nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa mga netizen, makalikha ng maraming trabaho sa iba’t ibang bansa, at mapabuti ang sarili nilang kalagayan sa buhay.

Continue reading

Buhay digital

Pagkagising, cellphone agad ang hawak mo. Habang nag-aalmusal, sa tablet ka nagbabasa ng balita. ‘Di ka pa nakakaalis, may Viber message na ang tropa — ipinaaalalang may lakad kayo mamaya.

Sa estasyon ng MRT, nakaligtas ka nga sa pila sa tiket dahil sa Beep card mo, mahaba naman ang pila papasok. Ano pa nga ba ang bago? Mabuti na lang, may libreng Wi-Fi na. Browse ka muna sa Facebook. ‘Pag nagsawa, Everwing naman.

Continue reading

Ang mga dapat maipabatid sa social media users

Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa pagdiriwang ng World Social Media Day
Infinitea Maginhawa, June 30, 2013

Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat. Kahapon ay nagkita-kita na ang ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social media forum ng Kabataan Party, na matagal nang nakakapartner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y lulubog-lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin ngayong taon.

Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kompanyang aking pinagtatrabahuhan kundi bilang isang matagal-tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng social media.

May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa pagba-browse ng latest pictures ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang Twitter. Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.

Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking services na ito, na ang nilalaman ay tinatawag natin ngayon collectively bilang social media. Mula sa pagiging personal journal na venue para makapagpahayag ng mga angas natin sa buhay — na siya pa rin namang pangunahing gamit nito para sa marami sa atin — nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit na rin ng businesses at brands ang social media para mai-promote ang kanilang produkto; ng celebrities para maka-connect sa kanilang fans; ng mga politiko para sa pangangampanya. Pero alam kong bago pa man mauso itong huli, mayroon nang Kabataan Cyber-Fever noong 2007 ang Kabataan Party. Hindi pa sikat sa atin ang Twitter noon.

Continue reading

Jacque Bermejo

Ilang araw ko nang gustong magsulat tungkol sa kuwento ni Jacqueline Bermejo, isang OFW sa Dubai na dahil sa hacked social network accounts ay kinasuklaman ng maraming kababayan sa Internet. Nang magkalinawan, inosente pala — at isa pa ngang biktima — si Jacque.

Isang araw matapos palubugin ni Ondoy sa baha ang ilang bahagi ng Kamaynilaan, kumalat sa mga social networks ang screenshot ng isang Facebook status update. Ganito ang sinabi raw ng isang Jacque Bermejo: “buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners back der! so yeah deserving what happened!”

Siyempre, nakakagalit yun, di ba? Pero naisip ko rin na dahil sa insentive na comment na yun, kawawa ‘tong taong ‘to dahil malamang, mas matindi pa sa sinapit ni Malu Fernandez ang aabutin niya. At nagkatotoo nga. Habang binabasa namin ni M nang gabing iyon ang Multiply site na nakapangalan kay Jacque, panay ang refresh ng browser. Halos iilang segundo lang ang pagitan ng pagkaka-post mga pagmumura, panlalait, at iba pang atake kay Jacque.

Continue reading

Blogging from home

May mga dalawang oras na mula nang makarating ako rito sa bahay namin sa Marinduque, pagkatapos ng may kalahating araw na biyahe. Umalis ako sa Kamuning around 8am: Jeep -> bus -> tambay sa port kasi naiwan ng barko -> barko -> jeep -> tricycle, at nakarating sa bahay around 8pm.

Nakahiga na si Nanay Diding nang dumating ako. Patulog na yata sila, pero nabulabog sa pagdating ng panganay niyang apo. Nung birthday pa niya earlier this year ako huling nakauwi. After kong ibigay ang mga pasalubong kina Nanay, kumain muna saka kami tumawag sa mga tiya ko sa Germany.

Sa ngayon, nakadapa ako sa banig na nakalatag sa sahig na kawayan ng munti naming bahay. Ayoko sanang magkulambo pero mukhang mapipilitan ako dahil nagpapakitang gilas na ang mga lamok. Tila gusto pa ngang makipag-agawan ng kanilang ugong sa huni ng mga kuliglig sa paligid.

Share ko lang: Dati’y pangarap ko lang siguro na balang araw ay magkakaroon ako ng Internet connection at makakapag-blog habang narito’t padapa-dapa nang ganito. Nagkatotoo rin. Salamat sa Yahoo! at sa Smart Bro! 😀

Continue reading

Asteeg ang Internet

Kakatapos ko lang makipag-chat gamit ang pinakabagong feature ng Facebook kay Ate Dory, pinsang buo ng Mama ko na sa United Kingdom na naninirahan.

Hindi pa kami nagkita kahit kailan. Kahit sila ng Mama ko, di rin nagkakilala masyado dahil ang isa’y sa Marinduque lumaki, at ang isa ay sa Mindoro. Pero sabi ko nga sa kanya, lagi siyang nababanggit sa mga kuwento sa bahay, lalo na kapag tungkol sa mga nasa kamag-anak na nasa abroad ang usapan. So kahit di kami magkakilala talaga, parang kilala ko siya.

Continue reading

CyberSenti

Kailan ka unang nag-online? Paano ka nagkaroon ng e-mail address? Hotmail ba o Yahoo? O baka naman Tinig.com e-mail? Natatandaan mo pa ba ang pinakaunang e-mail address mo? O ‘di ka pa nagbabago? Sa kagaya kong naka-isandaang palit na yata ng e-mail address, nakaka-senti ang pagbisita sa inbox ng aking pinakauna.

Nagsu-surf pa ako noon sa SesiNet internet cafe sa Philcoa, sa bukana ng UP Diliman campus. Madalas ko pa ngang puntahan noon ang www.clairedanes.com. Nang minsang nagsa-sign up sa isang ‘di ko na matandaang online service, bad trip ako dahil wala akong e-mail address. Syempre, matulungin ang mga taga-SesiNet. Wala pa raw ba akong e-mail address? Wala pa kako. Siyempre’y iniisip ko pa noon na may bayad ang pagkakaroon nito, o mahabang proseso. Continue reading