Ilang araw ko nang gustong magsulat tungkol sa kuwento ni Jacqueline Bermejo, isang OFW sa Dubai na dahil sa hacked social network accounts ay kinasuklaman ng maraming kababayan sa Internet. Nang magkalinawan, inosente pala — at isa pa ngang biktima — si Jacque.

Isang araw matapos palubugin ni Ondoy sa baha ang ilang bahagi ng Kamaynilaan, kumalat sa mga social networks ang screenshot ng isang Facebook status update. Ganito ang sinabi raw ng isang Jacque Bermejo: “buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners back der! so yeah deserving what happened!”

Siyempre, nakakagalit yun, di ba? Pero naisip ko rin na dahil sa insentive na comment na yun, kawawa ‘tong taong ‘to dahil malamang, mas matindi pa sa sinapit ni Malu Fernandez ang aabutin niya. At nagkatotoo nga. Habang binabasa namin ni M nang gabing iyon ang Multiply site na nakapangalan kay Jacque, panay ang refresh ng browser. Halos iilang segundo lang ang pagitan ng pagkaka-post mga pagmumura, panlalait, at iba pang atake kay Jacque.

Ngunit napansin ko na may kakaiba sa kanyang Multiply site. Weird ang username: starfishbuang; at may nakalagay pang something like “Starfishes have no brain, that’s why I’m like this.” Yung photo album niya, may nakalagay na “My ugly officemates.” Naisip ko, sino namang matinong tao na concerned sa kanyang reputasyon ang maglalagay ng ganyan sa blog niya? Madali tuloy akong nakumbinsi ng mga nagsabi sa Twitter na hacked account ang pinanggalingan ng insensitive pero wrong grammar na Facebook status update na yun.

Pagkalipas ng ilang araw, sa wakas ay lumabas din ang totoo. Hindi pala si Jacque ang nag-post ng masamang comments na iyon. Biktima siya ng identity theft. Tingnan ang Facebook group na makakatulong na linawin ang isyung ito. Mayroon doong video ng interview niya sa TV, news article tungkol sa kanya, statement ng kanyang mga kaibigan, at pati advisory ng isang Philippine consulate sa US.

Ang aral sa insidenteng ito: bago mag-forward o mag-repost, tingnan muna kung mapagkakatiwalaan ng source ng ipapasang impormasyon. At ganoon din, mahalagang alagaan ang ating online identity. Pag-usapan natin yan sa susunod.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center