Kakatapos ko lang makipag-chat gamit ang pinakabagong feature ng Facebook kay Ate Dory, pinsang buo ng Mama ko na sa United Kingdom na naninirahan.

Hindi pa kami nagkita kahit kailan. Kahit sila ng Mama ko, di rin nagkakilala masyado dahil ang isa’y sa Marinduque lumaki, at ang isa ay sa Mindoro. Pero sabi ko nga sa kanya, lagi siyang nababanggit sa mga kuwento sa bahay, lalo na kapag tungkol sa mga nasa kamag-anak na nasa abroad ang usapan. So kahit di kami magkakilala talaga, parang kilala ko siya.

Nasa Facebook friend ko ang anak niya, at noong isang araw ay nakatanggap ako ng message mula sa kanya. Kung ako raw ba ang anak ni Ate Belen. Malamang ay nakita niya ako sa page ng anak niya. Agad naman akong sumagot. At kanina, nang makita ko siyang online, sinampolan ko nga ang chat feature ng Facebook sa kanya. Tumagal din nang halos isang oras ang kumustahan at kuwentuhan namin. At ini-add ko na siya sa Friendster.

Samantala, ang mga anak ng pinsan ng Mama ko na sa Germany na ipinanganak at lumaki, mga na-recruit ko na rin sa Friendster. Nang huli ko silang makita, maliliit na mga bata pa sila. Ngayon, kahit paano, nakapagpapalitan kami ng mga mensahe, gaano man kadalang at kaikli.

Asteeg ang Internet.

Dahil nga rin sa Internet, nakilala ko sina aajao, Ka Martin, Markku, Handyfemme, Ricky, Merwin, Noel, Jol, Vlad, Ronald & Eris, Karl & Mimi, Marcin, Neil, Rommel, Jim, Raspberry, Jun, Aileen, Janette, Connie, Abe, Benj, Jeff, Arbet, Bikoy, Shari, JM, iba pang mga kasama at kaibigan sa Tinig.com at Bloggers Kapihan, at marami pang ibang mga katoto at kaututang dila sa cyberspace. Karamihan sa kanila ay makakasama ko sa Sabado sa iBlog 4.

Asteeg talaga ang Internet.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center