Speaking of the Internet, ipinalabas kagabi ang bagong tech segment ni Michael Josh Villanueva a.k.a Cyberprince, tech guy ng News on Q. Dati ay may sikat na podcast si Josh, ang Hot Interesting Topics (HIT). Sa unang labas ng bagong segment ay ipinaliwanag niya ang Web 2.0. Itinampok dito ang panayam sa ilang bloggers na dumalo sa iblog 4.0, na dinaluhan din namin noong Sabado. Abangan ninyo ang mga susunod na labas ng segment na ito sa News on Q, which airs weeknights, 9:30pm, on QTV-11.

Mhay, Ederic and Josh at iblog 4Nakapagsimula na ang iblog nang dumating kami ni Mhay (na nag-liveblog) sa UP College of Law Auditorium. Napakinggan namin sina Karlo Licudine (student to problogger), Juned Sunido (photoblogging), at Jonas Diego (web comics). Kinailangan naming umalis nang maaga upang mamili ng mga gamit sa apartment.

Ilan sa mga kaibigang bloggers na nakaita o nakausap ko ay sina Shari at Robby Cruz at Martin Perez (mga kasama sa Bloggers’ Kapihan), the Jester-in-Exile, Arbet, Aileen Apolo, Dr. Tess, Marghil, Azrael, Buddy G., Noemi, AJ, at iba pa. Siyempre’y naroon din ang mga organizer na sina Janette Toral at Atty. JJ Disini.

Samantala, napag-usapan na rin lang ang Web 2.0, nakita n’yo na ba ang bagong Chikka 2.0? Web-based ito at bukod sa dating features gaya ng libreng text messages sa Philippine numbers, puwede na rin itong magamit upang magkalog-in sa GTalk, YM, MSN, ICQ, at AIM accounts ninyo. Ang Chikka.com ay kasapi ng Digital Filipino Club.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center