Sa gitna ng pagtutol ng buong daigdig, nagdesisyon na si US President George W. Bush na ituloy ang giyerang agresyon sa Iraq kung hindi aalis si Iraqi President Saddam Hussein sa kanyang bansa sa loob ng 48 oras. Ginawa ito ni Bush nang walang pahintulot ng UN Security Council.

“All the decades of deceit and cruelty have now reached an end. Saddam Hussein and his sons must leave Iraq within 48 hours. Their refusal to do so will result in military conflict commenced at a time of our choosing,” wika niya sa isang talumpati kanina.

Subalit hindi naitago ni Bush ang hayag na lihim ng tunay na dahilan ng pag-atake, ang pag-iimbot ng US sa langis ng Iraq:

“And all Iraqi military and civilian personnel should listen carefully to this warning: In any conflict, your fate will depend on your actions. Do not destroy oil wells, a source of wealth that belongs to the Iraqi people. Do not obey any command to use weapons of mass destruction against anyone, including the Iraqi people. War crimes will be prosecuted, war criminals will be punished and it will be no defense to say, ‘I was just following orders.'”

Tumanggi naman si Hussein na sundin ang warning ni Bush.

Nauna rito, nang mahalatang matatalo sa UN Security Council ang resolusyong magpapahintulot ng pag-atake sa Iraq ay iniatras ito ng US, United Kingdom, at Espa?a, mga kaalyado ng US sa giyerang ito.

Sa kanyang karakteristikong kolonyalistikong pahayag, sinabi ni Bush ang pakikidigma ay hindi nakatuon sa mga sibilyang Iraqi. “Palalayain” daw ng Amerika ang mga Iraqi mula sa kalupitan ng diktador.

Samantala, nakahanda naman daw ang gobyerno ng Pilipinas sa digmaang ito upang matiyak ang kaseguruhan ng mga Pilipino. Nananalingin din daw ang Palayaso na matatapos agad ang giyera sa loob ng maikling panahon.

Hindi pa rin pormal na iniaanunsyo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang psisyon nito ngayong nagdesisyon nang umatake ang US. Sublait naunang ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople na dapat tayong manatiling sumusuporta sa giyera ng US, may pahintulot man ng UN o wala.

Kung magdesisyon si Macapagal-Arroyo ang ang kanyang National Security Council na sumuporta sa giyerang ito ng Amerika at ng ilang kaalyado, makatarungang suportahan naman ang mga panawagan para sa impeachment ni Macapagal o igiit ang kanyang pagbibitiw dahil sa paglabag sa probisyon ng Saligang Batas na nagtatakwil sa digmaan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center