Sa kanyang muling pagliliwaliw sa CyberSpace, dumaan siya rito at nagpahayag ng kagalakan sa pagkakatagpo ng isang website na nasusulat sa Filipino. At tulad ko, naghihimagsik din ang kanyang kalooban sa kahayupang ginagawa sa Mesopotamia ng mapagkunwaring pulis pangkalawakan.
Ngunit sa kabila ng kaguluhang kaakibat na yata ng buhay sa katimugan, siya’y masayahin, makulit at buhay na buhay. Isang fashionista, nangongolekta pa nga siya mga pantalong may tatak ng mapandigmang Imperyo, at kinukumbinsi ko siyang itigil na ang pagtangkilik sa ganoong produkto.
Mapagmahal sa musika, palakaibigan, totoong tao, at tulad ko’y adik sa Net, dalawang taon din siyang nawala. Sa kanyang pagbabalik, isang karangalang maging kaibigan ang popular na netizen na ito–napakabilis dumami ng mga pahina ng kanyang guestbook–si Abdul Aziz Ontok!

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 3, 2025
MAMAMO at Surf2Sawa
Celebrity moms na P-pop group ang unang endorsers ng S2S internet ng Converge
June 19, 2025
Anytime Fitness Asia launches ‘Train For Your Life’
Anytime Fitness launches its most impactful brand campaign to date.
April 7, 2025
Ascott adds pet-friendly stays at lyf one-north SG
Guests’ furry companions are welcome.
Mukhang si Angela lang ang nahatak kong bumisita sa site mo, Abs, ah! 😀