Published September 13th, 2005
Haydee Yorac, isang inspirasyon
(Ang sanaysay na ito ay unang nalathala sa Pinoy Gazette at ipinost sa ederic@cyberspace noong October 13, 2004 @ 08:06. Muli itong inilalathala bilang pag-alaala kay Haydee Yorac.)
May mga nagsasabing habang nagkakagulang daw ang isang tao, unti-unti ring nawawala ang kanyang ideyalismo. Maaaring totoo iyan sa karamihan. Pero hindi sa ilan, tulad ni Haydee Yorac, tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) mula 2001 at Ramon Magsaysay Awardee for Government Service ngayong taon.
Noong Sabado, napanood ko ang ilang bahagi ng panayam sa kanya sa CNN Talk Asia. Ikinuwento niya kung paano siya nakapanghatak ng mga kabataang abogado mula sa UP College of Law na karamiha’y mga dati niyang estudyante. Natuwa at pinanindigan pa nga ako ng balahibo nang sabihin niyang naniniwala siyang hindi siya nag-iisa sa kanyang ideyalismo at kailanma’y di siya nawalan ng pag-asa. (more…![]()


Sa kaarawan ng Supremo, nais kong ibahagi sa inyo itong article na sinulat ng kaibigang kong si 














