Habang isinusulat ito, 51 na ang namatay at 21 ang nawawala dahil sa bagyong Ondoy, ayon sa National Disaster Coordinating Council.

Lumubog sa baha ang maraming lugar sa Region III at Kamaynilaan. Napakaraming tao ang di nakaalis sa kanilang bahay at naghintay na lamang ng rescue teams sa kanilang mga kuwarto o bubong ng bahay — kabilang ang ilang mga sikat na artista gaya nina Cristine Reyes, Jennica Garcia, at Kaye Brosas. Nagkaroon din ng mga landslides. Libu-libo ang mga na-stranded sa mga kalsadang di madaanan dahil sa baha.

Ayon sa PAGASA, ang dami ng ulang aabutin ng isang buwan bago maipon ay bumuhos sa loob ng anim na oras lamang. Nalagpasan nito ang record ng pinakamaraming ulan na naitala ng PAGASA noong 1967. Epekto raw ito ng climate change.

Napabalitang 13 lang daw ang rubber boats na pang-rescue ng NDCC. Hindi kaya kako mas malaki ang budget nila para sa infomercials? Muli ring kumalat sa Twitter ang ulat na nagastos na raw ni Gloria Arroyo sa kanyang foreign trips ang P800-milyong emergency fund.

Sa ganitong sitwasyon, ang pinsala ni Ondoy at pagtulong sa mga biktima ang agad na dapat nating harapin, ngunit di rin dapat malimutan ang matagalang usapin ng pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng tapat at malinis na pamamahala.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center