Bayanihan sa cyberspace

“It’s the old Filipino practice of bayanihan, expressed in the age of Web 2.0.” — GMANews.tv

Muling binuhay ng trahedyang hatid ng Bagyong Ondoy ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino — di lamang in real life, kundi pati sa virtual world. Kahit sa cyberspace, patuloy ang bahaginan ng donasyon at impormasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang texters’ group na TXTPower ay tumutulong na rin para makapag-donate ang mga nasa ibang bansa. Para sa iba’t ibang paraan para makatulong, tingnan ang listahan ng kaeskuwela kong si Karen sa kanyang blog. Bisitahin din ang blog ni Manolo para sa iba pang updates.

Kahapon, halos maghapon akong nakisali sa mga nagpo-post at nagre-repost sa Twitter at iba pang social networks ng anumang impormasyong maaaring ibahagi. Gumawa ng Rescue Hub — isang monitor ng mga biktimang nangangailangan ng tulong — ang blogger na si Ka Edong. May mga gumawa rin ng Ondoy situation map for Metro Manila. Magagamit ang mga tools na ito ng mga rescuers at donation centers.

1 thought on “Bayanihan sa cyberspace”

  1. Hello, I’m Jared… I love what you post on your blogs… I’m a college communication student and in need to write an article. On the contrary, I would like to ask your permission if I could interview you about blogging…

    Actually, my article is similar with your post about the typhoon Ondoy in the internet, and I would like to get opinions supposedly of the bloggers about it… It could be either an e-mail interview or a via ym if time does not permit… I hope you respond, my e-mail btw is jared_kotaro@yahoo.com.ph

    Hope you comply with my request….

Leave a Reply