Categories
Bayani't Bayanihan

Lapis para sa Kariton Klasrum

Para sa mga nais tumulong sa Kariton Klasrum ng Dynamic Teen Company (DTC) ni Kuya Ef, bukod sa Tindahan ng Pagbabago ay narito pa ang isang paraan: sa pamamagitan ng Pencil Project ng HotelwithHeart.com (HWH). Hanggang sa katapusan ng buwang ito na lang ang kampanya, kaya’t sana’y bilisan natin ang pagkilos: Isang digital signature campaign […]

Categories
Bayani't Bayanihan Biyahe at Putahe

Kariton ng mga pangarap

Noong isang Sabado, naging saksi ako sa katuparan ng isang pangarap. Malaking bagay ito sapagkat ang kaganapan ng pangarap na ito’y kakanlong at magpapayabong sa marami pang mga pangarap. May tinatapos ako sa Yahoo! nang hapong iyon nang mag-tweet si Andrew, ang makisig at maalalahanin kong pinsan. Papunta raw siya kay Efren PeƱaflorida, Jr. sa […]

Categories
Buhay at Pag-ibig

Kabaligtaran ng People Power

Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power. Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na […]

Categories
Bayani't Bayanihan Internet at Blogging

Bayanihan sa cyberspace

“It’s the old Filipino practice of bayanihan, expressed in the age of Web 2.0.” — GMANews.tv Muling binuhay ng trahedyang hatid ng Bagyong Ondoy ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino — di lamang in real life, kundi pati sa virtual world. Kahit sa cyberspace, patuloy ang bahaginan ng donasyon at impormasyon para sa […]

Categories
Bayani't Bayanihan Pagsamba't Pakikibaka

Ako Mismo

Agad akong nag-sign up nang makita ko ang AkoMismo.org — hindi lang dahil Ely Buendia fan ako, kundi dahil nagustuhan ko ang kampanya. Hinihiling ng Ako Mismo sa mga Pinoy netizens na isulat ang kanilang pangakong gagawin — maliit man o malaki — “tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas.” Sabi nga nila, ang pagbabago’y mag-uugat […]

Categories
Internet at Blogging Pagsamba't Pakikibaka Talumpati

Pag-ahon

Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo: Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad. Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan […]