Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo:
Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.
Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.
Ang masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino ay hindi hiwalay na karanasan, at ito ay may pangkasaysayang pinagmulan na dapat nating alamin at pag-aralan.
Makabubuti kung pag-iisipan kung bakit habang may nakatira sa ilalim ng tulay samantalang may mga taong kung maglakbay sa mundo ay parang nagkakatuwaan lang (“Pick a country, Malou!”). Makatutulong kung susubukang unawain kung bakit habang may mga magsasakang walang sariling lupa, may mga mayayamang asyenderong humahawak pa ng matataas na posisyon sa gobyerno.
Maraming paraan upang pag-aralan ang kahirapan at maghanap na solusyon upang ito’y maging bahagi na lamang ng kasaysayan balang araw. Makatutulong ang pagbabasa ng mga aklat at dokumentong isinulat mula sa pananaw ng masa.
Sa paaralan at komunidad, maraming mga samahang puwedeng salihan. Kung nabubulol ka sa mga katagang “imperyalismo, buruktrata-kapitalismo at piyudalismo” sa chikahan ng mga aktibista, o feeling mo’y uusok ka kapag pumasok ka sa simbahan para makipagdiskusyon sa mga relihiyosong lingkod ng bayan, maaari mong ipakita ang iyong pakikisangkot sa pagkikipag-rock-rakan para edukasyon, o pagtula, o sa pagsusulat at pagpapahayag ng iyong tinig.
Maaari kang tumulong sa mga grupong naggagawad ng kalinga at bumubuo ng mga tahanan at komunidad ng mga mahihirap. O kung medyo rich kid ka naman, alam mo bang kahit ang pagbili ng tamang iPod at iba pang gadgets ay maaaring makatulong na lunasan ang kahirapan sa mundo!
Kahit nga ang pagsusulong sa bagong pulika at pagsuporta sa malilinis na kandidato tuwing eleksyon ay makatutulong na lunasan ang kahirapan. Ang perang maaaring mawala sana sa katiwalian ay magagamit na pondo sa mga serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan edukasyon. Sa ganito nagiging people power ang eleksyon.
Ang pag-ahon mula sa kahirapan ay hindi dapat maging pansariling gawain lamang. Isa itong adhikaing mas maabot kung dadaanin sa bayanihan.
Kapag hindi mo iniwasan ang mga pagkakataong masuri at mapag-aralan ang mga ugat ng kahirapan, mas gaganahan kang makipagbuklod ka sa iba upang humanap ng solusyon at mag-ambag ng kaunti base sa iyong kakayanan. Ang iyong pagsisipag sa pag-aaral upang makaahon ay hindi magiging tulak ng pansariling ambisyon lamang. Sa halip, bawat pagsisikap mo’y magiging inspirasyon ang hangaring makatulong na buong bansa’y makabangon.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
January 8, 2024
LG webOS upgrade coming to older TVs
The webOS Re:New program will bring the latest webOS upgrade to certain 2022…
December 21, 2023
Converge enables PH startup community in Geeks on a Beach
Converge provided free internet connectivity to GOAB conference.
@lazyindolent, salamat sa comment. Magandang natanong mo kay Den kung ano siya? Magandang malaman kung ano ang stratehiyang nais niya.
@Den: Ngayon ko lang nabasa itong comment mo.
Napakadaling sabihing nagpapapansin ka lang at gusto na naman ng kontrobersiya para makakuha ng trapik. Pero ayokong sabihin iyon ngayon tungkol sa iyo.
Payo lang: mabuti sigurong alamin mo muna ang background ng mga taong nagsusulat bago mo isiping nagpapanggap o nagpapaka-intelektwal lang sila at walang alam kung ano ang kahirapan.
buti nga naisip nia ung community effort. ikaw puro kritisismo. nanghusga ka kagad base sa mga sinabi nia. huhusgahan ka din base sa mga panghuhusga mo.
para dun kay Den Relojo, sige nga kung nagpapanggap sila, ikaw ano ka? totoo ba lahat ng mga adhikain mo? kung hindi community effort? self-effort?nino ikaw?sige tignan natin kung kaya mo mag-isa.goodlak sayo mamen.
shit!!
ula po b keong maikling talumpati lang
thank u so much….u help me a lot…god bless u always,,,ang ganda ng talumpati mo na pag ahon.
maganda sya
[…] and poverty Fight Against Poverty Poverty During Christmas Attitude Change Blog Action Day! http://edericeder.com/pag-ahon/ Blog Action Day: My Action Buhay Pa Tayo Poverty Alleviation through Information Communication […]
Masarap mag-aral. Pero higit na mas masarap ang matuto at yang pagkatuto na tinutukoy ko hindi lang sa paaralan pupuwedeng umusbong.
Totoo na “Maraming paraan upang pag-aralan ang kahirapan at maghanap na solusyon upang ito’y maging bahagi na lamang ng kasaysayan balang araw. ” pero hindi sapat na pag-aralan lang ang mga isyung iyon. At hindi baliktakan ang kailangan ng Pilipinas, hindi rin mga tula, o mga kanta. OA na ang mga EDSA I at EDSA II, o kung ano pa mang EDSA to the nth power pa man yan. Ang pakikisangkot sa anumang isyung panlipunan ay hindi masusukat sa kung alam mo ang mga katagang “imperyalismo, buruktrata-kapitalismo at piyudalismo” . May mga taong gustong magsuot ng maskara ng pagka-aktibista dahil sa paniwala nila astig ang maging aktibista o dahil sa state university sila nag-aaral at may “pangangailangan” na tugunan liberal at radikal na ang prototype nila. At yung mga taong nagsasabing “the alleviation of poverty should be a community effort” ewan ko kung pa-intellectual ang image na gusto mong i-project pero malaking ang pagdududa ko kung alam mo nga talaga kung ano ang kahirapan.
Madalas, ang lahat pawang mga pagpapanggap lamang!
Den Relojos last blog post..Disney and Satanism
[…] and poverty Fight Against Poverty Poverty During Christmas Attitude Change Blog Action Day! http://edericeder.com/pag-ahon/ Blog Action Day: My Action Buhay Pa Tayo Poverty Alleviation through Information Communication […]
indeed. the alleviation of poverty should be a community effort.
for my part, i turn to sites like freerice, kiva, and goodsearch, as ways to help alleviate poverty online.
it’s great that you’re participating in blog action day. 🙂
kouji haikus last blog post..haiku poem