Kinunan ang larawan namin ni Among Ed Panlilio noong bumisita ang Bloggers’ Kapihan sa Pampanga upang ilunsad ang blog ng butihing paring ngayo’y gobernador ng Pampanga.
Isa rin siya sa mga pinili ko sa Top 10 influential bloggers ng Digital Filipino.
Nalaman ko ngayong umaga lang na ang kuwento niya pala ay itatampok mamayang gabi sa Reporter’s Notebook ng GMA-7. Malalaman natin kung bakit gusto siyang i-recall ng mga pulitikong Kapampangan.
Narito ang mga buod ng palabas mamaya sa RN, GMANews.tv
“Among Ed”
Ulat ni Jiggy Manicad
Tinuldukan niya ang isang political dynasty sa Pampanga nang siya’y maging kaunaunahang paring nahalal bilang gobernador sa kasaysayan ng ating bansa. Bilang pinakamataas na pinuno ng kaniyang probinsya, mabilis na gumawa ng mga reporma si Gob. Eddie “Among Ed” Panlilio. Habang nagustuhan ng ilan ang pagtupad niya sa kaniyang tungkulin, may iba naming hindi ito nagustuhan. Hindi madali ang kaniyang buhay sa kapitolyo. Ang kaniyang relasyon sa ibang opisyal ng probinsya ay hindi maganda at ang iba sa kaniyang mga dating taga-suporta ay unti-unti nang nawawala. Nagpalala pa sa sitwasyon ang isang recount petition na inihain para iprotesta ang kaniyang pagkapanalo at isang recall petition na inihahanda na rin laban sa kaniya. Ano ba ang nasa likod ng kontrobersya sa Pampanga?
Pagkalinga sa matatanda
Ulat ni Maki Pulido
Kapag pinag-usapan ang street dwellers, mga bata ang agad pumapasok sa isip. Ngunit nitong mga nagdaang taon, dumarami na rin ang matatandang naninirahan lansangan. Sa pagdating at paglipas ng “Elderly Filipino Week”, hindi maiwasang pagtakhan kung ano na nga ba ang nagawa tungkol sa unti-unting paglala ng sitwasyon ng mga nakatatanda ng ating bansa na naninirahan na sa mga lansangan.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 20, 2023
Invitation from Kim Bum
Kim Bum will be in Manila on September 22 and in Cebu the next day.
September 19, 2023
‘Elemental’ is 2023’s most-viewed movie premiere on Disney+
“Elemental” made its streaming debut in a blaze of glory.
September 16, 2023
Converge, BlastTV intro Studio Universal
Converge announced the launch of Studio Universal in Southeast Asia on…
Bro, suportang blog post para sa kinakaharap naming isyung demolisyon sa Tarlac na isasagawa ng NOLCOM. Tama na ang madugong Hacienda Luisita.
Maraming salamat.Mabuhay ka.
Pinaykeypoints last blog post..Eviction Notice for Zone A, B & C
Hello Ed! This is Chris A. from CMAQUEST: An Entertainment and Magazine Blog ( http://cmaquest.blogspot.com ) from the DigitalFilipino.com Club and Bloggers Networking Event in PAGCOR. It is a pleasure to meet you.
Napose ko na ang mga nangyari sa event dito:
http://cmaquest.blogspot.com/2008/10/aftermath-of-digitalfilipinocom-club.html
Mga na grab ko pa lang to kay Azrael, yung magkakasama tayo ay ipopost ko sa personal blog ko:
http://lifeonapencil.blogspot.com
Di bale ia update ka naman ni Lad via email o flickr o dito. Madaming “o” hehehe.
Nice to know you. sa uulitin!
Chris A of CMAQUESTs last blog post..One Piece Movie 9 – Bloom in the Winter, Miracle Sakura: Adventure in Drum Island
Off Topic!
Haha eto yung pics http://www.flickr.com/photos/31765487@N03/ at eto naman yung video, isa pa lang na upload ko mamaya na yung isa antok na ako haha http://www.youtube.com/watch?v=YzbvzUX5RiE
Lads last blog post..Vaginitis! Kill this infection, quick!
Sayang na late ako ngayo ko lang nakita post mo about reporters notebook. Interested pa naman ako sa kwento ni Mr. Panlilio.
Ambos last blog post..Justice for Overseas Filipino Worker’s Death Abroad
akala ko may special appearance ka rin sa RN 🙂
aajaos last blog post..year in, year out