Kahapon ginanap ang DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event, pero kahapon din lang ako nakapag-confirm ng attendance. Kahit nakabakasyon, medyo puno schedule ko ngayong mga araw na ito.

Sa Starbucks 6750 ang kitaan, kaya bago mag-5p.m. ay pumunta na ako roon. Di ko man hilig bumili ng napakamahal na kape nila, napilitan din ako. Wala kasi akong nakitang ibang blogger sa mga table, maliban kay BillyCoy, na mukhang di naman ako nakita o nakilala. Pero paglabas ko bitbit ang isang basong kape, saka ko nakita sina Janette at Tonyo. Doon na kami naghintay ng bus na magdadala sa amin sa Casino Filipino sa Paranaque, ang venue ng kitaan.

Ang kwelang-kwelang sina Chris at Lad
Ang kwelang-kwelang sina Chris at Lad

Pagdating sa Casino Filipino, parang mahihiyaing sa bakanteng mesa kami umupo ni Tonyo.

Maya maya ay dumating sina Chris at Lad, na dahil dating Entrecard member din, ay nadadaanan ko dati ang blog.

Silang dalawa — at ang kamera ni Lad na kakaiba ang kulay — ang kasama namin ni Tonyo sa pangungulit ng ibang blogger para makapagpakuha ng larawan — at halos sa bawat frame ay makikita ang mukha kong kako’y gusto kong ipa-plantsa sa clinic nina Mica.

Ako, si Tonyo at si Ma'am Gladys (Galing sa kamera ni Lad)
Ako, si Tonyo at si Ma’am Gladys

Lumapit at nakipagkuwentuhan sa amin si Angel — ang Father Blogger na hindi pari — at tumabi sa amin ang guro sa nangungunang high school sa bansa, si Ma’am Gladys, na nakasabay ko pa sa bus pag-uwi ko.

Pagkatapos ng presentation ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang sponsor ng event, nag-present si Janette ng report on Ratified.org’s Top 100 blogs. Nanguna si Jezhlau, na sinamahan ng kanyang mother dear. Nasa listahan din ang ederic@cyberspace, at nagulat ako nang sinabi ni Janette na ang bloggers na listahan ay magsasalita para magbigay ng tips tungkol sa aming blog.

Kahit nerbyoso, nagsalita na rin ako. Salamat sa larawan, Ada
Kahit nerbyoso, nagsalita na rin ako. Salamat sa larawan, Ada

Ikinuwento kong ang mga entry na laging napupuntuhan ng mga bisita ko sa ederic@cyberspace ay iyong merong talumpati, Marinduque Scandal, at Boy Bastos.

Pero sana, kapag nadaan dito ang mga nakarinig ng mga kuwento kong iyon, makita nilang di lang naman puro eskandalosong bagay ang narito.

Bukod sa ilan pang pananalita, nagkaroon din ng song and dance number, at napasabak sa pakikipagsayaw si AJ.

Siyempre, pagkatapos ng programa, networking na. Nagpalipat-lipat na kami sa mga table para magpa-picture sa iba pang bloggers.

Ilan sa mga kapwa blogger na nakasalamuha ko ay sina Ada, Analyn, Azrael, Bob, Ed, Errol, Fritz, Jeff, JP, Marcelle, Juned, Pusa, Reyna Elena, at iba pa.

Eto ang ilan pang mga larawan galing kay Lad:

Para sa totoong tagumpay!
Para sa totoong tagumpay!

Smile!
Smile!

Kay Ma'am Janette naman tayo!
Kay Ma’am Janette naman tayo!

Paistorbo lang sandali, ha?
Paistorbo lang sandali, ha?


Kasama namin si Annalyn!

Ayan, di na busy si AJ!
Ayan, di na busy si AJ!

Dito naman kina Jehzlau! Si Ada, nanggigigil?
Dito naman kina Jehzlau! Si Ada, nanggigigil?

Eto naman ang blog entries, videos, at posts mula sa iba pang blog (list from the DigitalFilipino.com Club blog):

Video:

Photo:

  1. Digital Filipino Club and Manila Bloggers Networking Event at PAGCOR (Anna)
  2. Blogger’s Fellowship @ Casino Filipino (Carl)
  3. Digital Filipino Club and Manila Bloggers Networking Event at PAGCOR (Anna)
  4. DigitalFilipino Event Part 2 (Ada)
  5. Bloggers Night (LAD)
  6. DigitalFilipino Event Part 1 (Ada)
  7. Philippines Top 100 Blogs Recognition (Jehzeel)
  8. DigitalFilipino.com Clug and Bloggers Manila Networking Event (Azrael)

Posts:

  1. Learning Poker while attending a blogging event (Mon)
  2. When your boyfriend is younger than you are, remember not to take him to the casino with you (Yza)
  3. Digital Filipino Bloggers Networking Event (Errol)
  4. An Unforgettable experience with my First Blogging Event (Angel)
  5. Great Sabado Night: Bloggers Manila Networking Event (Tonyo)
  6. The DigitalFilipino Event: I Came a Stranger, Went Home With Lots of Friends (Roel)
  7. digital filipino event (Agnes)
  8. Social climbing with Janette Toral (Reynz)
  9. DigitalFilipino Manila Fellowship Night (Sabrina)
  10. My First Time (Mon)
  11. My Digital Filipino Club Fellowship and Networking Night Experience (Fitz)
  12. My Digital Filipino Club and Bloggers Fellowship Night Experience (Snow)
  13. FOTD (Anna)
  14. Chris A’s First Blogger Event in PAGCOR (Chris)
  15. Digital Filipino Club and Filipino Bloggers Manila Networking Event (Mica)
  16. I am not proud of my blog (Gary)
  17. Tips from Top Bloggers @ DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event (Dine)
  18. Digital Filipino’s Networking Night at PAGCOR (Lace)
  19. The Manila Fellowship Night (Ada)
  20. Dumalo ako sa Manila Bloggers EB ng DigitalFilipino.com Club (Ederic)
  21. Digital Filipino Club and Bloggers Manila Networking Event (Anna)
  22. Digital Filipino Club and Bloggers Networking Night Manila (LAD)
  23. Philippines Top 100 Blogs for 2008 (Jehzeel)
  24. Aftermath of the DigitalFilipino.com Club and Bloggers Networking Event Manila in PAGCOR (Chris)
  25. DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event (Azrael)

Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center