Sigurado akong nabalitaan na nilang ayaw ng mga mamamayan na baguhin ang Saligang Batas, lalo na sa ngayon.
Malamang, nabasa na nila sa mga balita na hindi pabor ang taumbayan sa constituent assembly bilang pamamaraan ng pagbabago ng konstitusyon, kung sakali mang makumbinsi ang mga tao na kailangan ngang mag-chacha.
Nasa ibang planeta sila kung di pa nila nalalamang naniniwala ang mga Pilipino na ang Charter change ngayon ay may layuning palawigin ang dapat ay matagal nang natapos na termino ni Gloria Arroyo.
Kinatawan sila ng mga mamamayan, kaya naman sa ideal na mundo, dapat ay sinasalamin ng kanilang mga kilos ang pulso ng bayan.
Ngunit kanina, ipinasa ng House of Representatives ang House Resolution 1109 na naglalayong gawing constituent assembly ang Kongreso. Wika nga ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino, masahol pa ito sa Hayden Kho scandal.
Nakakahiya kung tutuusin.
Pero ano mga ba ang hiya? Wala ito sa bokabularyo nila.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
Hi Ederic! First time ko mag-post sa blog mo.
Nakakagalit at nakakalungkot dahil nilamon na ng pagkaganid sa salapi at kapangyarihan ang nakupo sa kongreso lalo na ang tenant sa palasyo. Higit pa sa term extension na layunin, mas dapat maunawaan na ang pagbabago sa saligang batas ay nangangahulugan din ng tuluyan ng pagbuyangyang sa yaman ng bansa sa dayuhang korporasyon.
Napakawalang hiya nila talaga. Pero naniniwala ako sa lakas ng mamamayan at masisingil din sila.
[…] (Unang nalathala sa ederic@cyberspace) […]
The Filipino people will not let what they want to happen. Sorry to them but it will remain in their dreams as long as there are concerned Filipino people.
Mr. JuanSteps last blog post..The Chronicle of Ant Juan
Wala talaga silang magawa. Nagsasayang ng oras sa mga walang katorya-toryang bagay. Totoong mas masahol ito sa Hayden cam scandal o kahit ano pang video scandal na naglipana. Kung pwede lang maglaho na silang lahat ng parang bula!
Me-anns last blog post..Busy?!
[…] Walang hiya by Ederic […]