Unang isinulat noong Hulyo 22 at binago ngayong ika-30 ng Hulyo, 2007
Hahabol ako sa The Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino ni Janette Toral. Narito na ang kumpletong listahan ko:
An Apple a Day
Personal blog ni Aileen Apolo ng Google Pilipinas. Ayaw man niyang amining isa na siyang cyberceleb, sigurado akong maraming sasang-ayon sa akin na intresado ang Pinoy netizens sa mga saloobin ng kinatawan sa bansa ng pinakahinahangaang kumpanya sa mundo sa larangan ng teknolohiya.
Gibbs Cadiz
Naniniwala akong ang kay Gibbs Cadiz ang isa sa mga nangungunang lifestyle blogs ngayon. Mababasa rito ang pinakabago sa pelikula at tanghalan, gayundin sa aklat at musika. Tinutulungan tayo ng kanyang mga review at salaysay tungkol sa mga palabas, at inaaliw tayo ng kanyang samu’t saring mga kuwento.
Pedestrian Observer
Nagsisimula nang umunlad ang blogging sa Pilipinas nang pumutok ang “Hello Garci Scandal”. Ang pangunguna ng PCIJ Blog sa pagtalakay sa pulitika at mga panlipunang usapin at pagparinig sa atin ng usapan nina Gloria at Garci ay lalong humikayat sa pagiging aktibo ng marami pang Pinoy bloggers. Ang ganitong tradisyon ng pagkokomentaryo sa mga di-personal na isyu ang sinusundan ng Pedestrian Observer, na masugid na nagmatyag at nagsulat tungkol sa halalang 2007.
Ako si Hyro
Blog ni Jessehyro Tito P. Aguinaldo, film freshman sa Unibersidad ng Pilipinas, ang pangunahing pamantasan sa bansa. Kung ang mga tala ng buhay ni Bikoy sa kolehiyo ay sinubaybayan natin, siguradong gusto rin nating sundan ang pagsisimula ng college adventures ng isa na namang iskolar ng bayan.
Project Manila
Ang proyektong ito sa Web ni Rick Manzano ay ang sarili niyang pagtatangkang baguhin ang pagtingin ng mga tao sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng mga kuha niyang larawan. Sa bawat naabot ng kanyang blog, naipakikita niya ang kabilang mukha ng kalunsuran: ang makulay, aktibo at may pag-asang imahe ng iba’t ibang mga kaganapan dito.
Malou Mangahas – GMANews.tv
Disclaimer: Boss ko si Ma’am Malou. Journ student pa lang ako, paboritong newspaper editor ko na siya. Pero naniniwala akong dapat mapasama sa listahan ko ang blog ng patnugot ng official news website ng pinakanirerespetong TV station sa bansa. Sayang nga lang at hindi na siya nag-a-update.
Hiraya: Endless Journey
Marami siyang nais ipahayag tungkol sa buhay at lipunan, at malinaw niya itong naipapabatid sa kanyang mga mambabasa gamit ang sariling nating wika. Alam niya kung paano mas maiparirinig ang kanyang tinig. At kahit by invitation na lang ang blog niya at Ederic Deric ang tawag niya sa akin, kasama siya sa aking top 10.
The D Spot
Si Dine Racoma–kilala rin bilang Sexy Mom–ay nanay ni Angelo–ang isa sa mga unang problogger na nakausap ko online at offline. Dati’y ang blog lang ni Angelo ang nadaraanan ko, pero ngayo’y dinarayo ko na rin at ang patuloy sa pamamayagpag sa blogosphere na blog ni Dine.
Cokskiblue
Isa itong vlog–video blog. Hayaan ninyong ang mga komento ng mga bisita sa shoutbox ng blog na ito ang magpaliwanag kung bakit kasama siya sa Top 10 ko. Etong sample: “uii. la lang. napadaan lang aku. first time ko dito sa blog mo.. naaliw aku sa mga videos mo! ang galing.. nice.. nice.. ”
The Philosophical Bastard
Bago pa lang akong sumisilip-silip sa blog ni Paolo Mendoza, pero nababasa ko na siya kung saan-saan sa blogosphere. Tiyak kakong may ibig sabihin ito.
Sa Agosto 1 ay may kita-kits para sa proyektong ito. Kinopya ko sa blog ni Janette ang listahan ng mga kumpirmadong dadalo sa EB:
- Alohapenny
- thegrapebunch
- Sexy Mom
- Noemi
- Archeia
- Rick Manzano
- Shari
- Jehzeel Laurente
- Richard Lionheart
- Heneroso
- Fire Eye’d Boy
- GM Tristan
- Elmo
- Carl Ocab
- Dennis Rito
- Jengkie
- Allen Gurrea
- Richard
- Jedianalyst
- I am SAM
- Lalon
- P0ytee
- Jhed
- NineMoons Family
- utakGAGO
- Ederic
- C5
- CokskiBlue
- Lateralus
- Novice Blogger
- Prudence
- Cliff
- Ang Lolo Niyo
- Agent Grey
- Baklang AJ
- Juned
- Aileen Apolo
- Karlo.PinoyBlogero
- TheANiTOKiD
- ApplesH
- ChrisH
- Arbet
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
[…] year, lima sa sampung pinili ko ang napasama sa listahan ng emerging influential blogsi. Ngayong taon, apat lamang sa mga […]
[…] World, The Broken Bow, Personal Finance for Filipinos, The Karlokoloko Log, wala, A Journey, ederic@cyberspace, have to do this! ugh!, NoBuffNoHeaL, the busy indolent, The Walking TOWER, My LiveJournal, […]
Waaah! Kung hindi ko isinearch sa Google ang pangalan ko, siguro hindi ko ito makikita. Maraming salamat po kuya Ederic sa papuri. Hindi ko inaasahan na mapapasama ako sa ganyang listahan sa mabilis na panahon!
Salamat muli at more power to you!
[…] Niyo Alan Jr. Claire Allen Gurrea Jigs Novice Blogger Marie Casas Karlokoloko Maenoodle Kristine Ederic utakGAGO Kiro Mariaxyza Raphael Borga Malord Xpal X P0ytee Ann Lalon Gibbs Cadiz Richard Lionheart […]
Hi Luann, salamat sa pagdaan.
Mabisang paraan para magkaroon ng mga bisita sa blog mo ang pakikipagtalastasan sa iba pang bloggers. Mag-iwan ng comment sa mga blogs nila, pero yung may sense naman at nasa topic syempre. Sumali ka rin sa mga blog networks gaya ng Pinoy Top Blogs at Pinoy Blog, at i-submit ang iyong URL sa mga search engine gaya ng Google at Yahoo saka sa Technorati. Pwede mo ring i-post ang summary ng entries mo sa Friendster at Orkut mo.
Tamang-tama itong mga isinulat ni Karlo. Basahin mo’t may mapupulot ka. 🙂
Halos tatlong taon na akong blogger, hindi ko alam kung paano maipapakilala sa mas marami ang blog ko. Bukod kasi sa mga kaibigan at kamag-anak wala na ibang nakaka-alam na may blog pala ako. May maibibigay ka bang tip? Maraming salamat!
Luann
@Janette: Salamat din po. 🙂
@Rick: Kita-kits. 😉
Bro! See you tomorrow ha!
Thank you again for joining this writing project. See you on Wednesday!
@nice: salamat sa pagdaan.
@Coy: ika’y nasa listahan ko na rin. 🙂
@Jaywalker: salamat din po.
@Janette: Kumpleto na po.
@Karlo.PinoyBlogero: Kita-kits.
Hi po! I see that you will be attending the Eyeball of the Emerging Influential Blogs of 2007 this Wednesday. Hope to see you there! Happy Blogging!
Thank you again for joining this writing project. Will check your site tonight for any final addition to your top 10 list.
ederic,
thanks for including Pedestrian Observer in your list, please visit my blog for the reciprocal entry acknowledging your recognition.
http://pedestrianobserver.blogspot.com/2007/07/pedestrian-observer-on-bloggers-radar.html
[…] Ederic […]
Great picks Ederic! Go Gibbs and Rick! Hehe
naglakbay sa blogosphere at napadaan sa iyong bahay. ako rin, may top ten na.
@ Ederic, it’s an honor to be in your list 🙂 i hope Project Manila eventually changes how people see Manila.
@ gibbs: let’s all have coffee together, tayo nila karla 🙂
Thanks for dropping by. I just linked you.
[…] Ederic […]
Cyberceleb? Hehehe. Di noh! Madaldal lang talaga ako, pati na sa pagsusulat. Maraming salamat sa pagtangkilik sa aking blog! At maraming salamat na rin sa pagiging kaibigan 🙂
Hello. Please don’t forget to post a comment in the writing project page at
http://digitalfilipino.blogspot.com/2007/05/top-10-emerging-influential-blogs-in.html
to register your entry.
Thank you!
hi ederic, thank you for the mention and the kind words. it’s an honor to be in your list. our meet-up’s long overdue! 🙂