Noong isang taon, lima sa sampung nominado koAn Apple a Day, The Philosophical Bastard, The D Spot, CokskiBlue, at Gibbs Cadiz — ang napasama sa Top 10 Emerging Influential Blogs. Narito naman ang mga nais kong mapasama ngayong taon:

  1. Among Ed – Blog ni Among Ed Panlilio, ang paring naging gobernador ng Pampanga matapos talunin ang mga kilalang traditional politicians. Samahan natin siya sa pagsusulong ng mabuting pamamahala. Tumulong ang aming grupo, ang Bloggers’ Kapihan, sa paglulunsad ng blog ni Among Ed sa Pampanga.
  2. Jun Lozada – Ang “probinsyanong Intsik” na umamin sa mga sariling pagkakamali at ibinisto ang kabulastugan sa NBN-ZTE deal. Niyanig ng mga pahayag ni JLo ang trono ng reyna sa Palasyo. Daan-daang mga komento, kapwa papuri at panunuligsa, ang sumasalubong sa mga blog entry niya. Tumulong din ang BK Crew sa paglulunsad ng blog ni Among Ed sa Pampanga.
  3. Bloggers’ Kapihan – Pagkatapos ng tatlong kapihan at dalawang blog launch, patuloy pa ring nagpaplano ang BK Crew — na kinabibilangan ko — ng mga susunod naming gawain. Sa pagitan ng mga kapihan, nagba-blog muna kami.
  4. Mar Roxas for President in 2010 – Bilib ako sa dedikasyon ni Kevin Ray Chua, ang may-ari ng blog na ito, sa kanyang pagsuporta sa kababayan at idolo niyang si Mar Roxas. Walang pagod si Kevin sa pagpo-promote kay Roxas at sa kanyang campaign blog na trailblazer sa niche na ito.
  5. Missing Carlo – Di rin naman masusukat ang pagmamahal ni Mica Rodriguez sa kanyang kapatid na si Carlo. Bukod sa pagiging talaarawan ng kanyang pangugulila sa kapatid, ang blog ay nagiging resource site rin para sa kondisyong autism. Ang Missing Carlo ay hosted ng aking proyektong Filblogs.com.
  6. You Got TechIsang collaborative sa pangunguna ng 2007 No. 1 Emerging Influential Blogger, ang Bb. Google-Earth Pilipinas Aileen Apolo, layunin nitong ipaunawa sa mga simpleng tao ang mga techie stuff na kadalasa’y mahirap intindihin.
  7. Sam Juan – Isang nakakaaliw na blog ng mga pakikipagsapalaran ng isang OFW sa Amerika. Dito niya inilalahad ang kanyang mga karanasan, mga kalokohan, mga kaisipan at mga aral na natutunan mula sa kabilang ibayo ng mundo. Malayo man si Sam Juan, tila iniwan niya ang kanyang puso sa Pilipinas, at sa gitna ng baliktatakang Inglesan sa cyberspace, gaya ko’y nagsusulat din siya sa wikang sarili.
  8. Filipino Voices – Kahit may mga kakaiba sa bloggers nila, o dahil sa mga kakaiba, lumilikha sila ng ingay sa Philippine blogosphere. Pero asteeg pa rin ang nauna ritong Tingog.com, na kapangalan ng Tinig.com.
  9. Brain Farts by teknostik – personal blog ni Jeff Villafranca, isang matapat na tagasunod ni Steve Jobs at kamakaila’y napilit kong lumabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Isa rin siya sa mga may pakana ng sikat na sikat nang VisitSagada.com.
  10. MakaPalm – Ayoko sanang magbuhat ng sariling bangko — baka mabigat, pero naisip kong kailangan ko rin for exercise. Ang MakaPalm ay ang blog ko tungkol sa aking Treo 650 at mga balita, tips, applications, reviews at iba pa tungkol sa Palm devices at Palm OS. May sideblog din ito para sa ibang topic. Minsan na itong na-cite sa isang diskusyon sa Mapalad.org, ang Palm users group sa bansa, kaya’t naisip kong, pwede na ring akong mabuhat ng sariling Palm. 😉

Ang proyektong ito ay sinuportahan ng major sponsor na YesPinoy, at ng sumusunod na minor sponsors: PRC Board Exam Results RegaloService.com, and Fil-Am Yellow Pages

Maaaring may mabawas at may madagdag pa sa aking nominees bago sumapit ang deadline ng The Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008.

Ilan sa mga pwede ko sanang isama ay ang blogs ng ilang celebrity bloggers na tinutulungan ko: sina Cesar Apolinario (TV reporter/ film director), Andrew Wolff (model / athlete) at Mia Howell, (athlete) kaso lang, yung unang dalawa ay konti pa lang ang posts na sila ang nagsulat, at ang huli naman ay di pa nakapagsisimulang mag-blog.

Kung sa pagbubuhat naman ng sariling blog, pwede rin sana ang Marinduqueno.com ko, kaya lang wala pang masyadong activity, so di pa ito influential. :p

Sa mga hindi pa nakakasali, sali na kayo. Pumili lang ng gusto ninyong 10 blogs na sinimulan noong Hulyo 1, 2007. Ang pagpapasa ng lahok ay hanggang 5 p.m. ng July 26 pa. 🙂


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center