Mula sa pagiging socio-political (base sa classification ng Ratified.org) ng ederic@cyberspace, pansamantala itong magiging lifestyle blog upang maitampok ang mga Pinoy cybercelebs at blogger friends na nakunan ko ng larawan noong isang gabi sa kitaan ng Top 10 Emerging Influential Blogs. Siyempre, kasama na rin ang mga kuwento at side comments ko. Pasensya na sa di-kagandahang kuha ng Treo 650 ko–mababa lang kasi ang reso nito.
Maaga akong nakarating sa Max’s sa Park Square 1 at ang cyberceleb na ito ang unang bumati sa akin:
Huwag matakot–mabait yan, hehe. Si Benj ng Atheista.net. Natuwa naman ako sa batang ito at pinagtiyagaan akong kausapin at di ako dinebate. Kinumusta ko sa kanya ang UP-PGH at nakapanlulumo ang mga eksenang ikinuwento niya. Tutol nga pala siya sa paggamit ko ng term na cyberceleb. Masyado raw tunog-porn. Actually, totoo. Hehe.
Siyempre, nakausap at nakunan ko rin ang misteryosang cyberceleb na si Shari ng Misteryosa.com. Nasa labas pa siya kasama ang ibang bloggers nang pumasok kami ni Benj. Sa event, halatang marami siyang fans dahil sa palakpakan nang siya’t magsalita na.
Sa post-party gimik, agad niyang nalutas ang misteryo ng Petals Around the Rose. Nagkuwentuhan pa kami nang konti tungkol sa buhay-buhay sa Unibersidad ng Pilipinas at sa aming idol, si Prof. Luis Teodoro. Magkikita ulit kami ni Shari sa Sabado.
Ka-table rin namin at kasama sa gimik ang vlogger na si Coy ng Cokskiblue, isa sa mga itinanghal na Top Ten Emerging Influential Blogger. Full coverage pa nga ang ginawa ko sa pagtanggap niya ng parangal. Tingnan n’yo na lang sa Picasaweb ko.
Sa gimik, mukhang nagkasundo sila ni Poyt, a.k.a. Tanggera, vlogger na taga-UP rin. Lagi silang nawawala, eh.
Si Poyt ay naging “rose among the thorns” sa aming umpukan sa dulo ng panggitnang mesa. Medyo nahuli siyang dumating, pero abot pa rin.
Isa rin siyang Palm user na gaya ko. Tip pa nga niya, mag-download ako ng Brightcam, na di ko pa nahahanap. Ayaw nga lang niyang ipakita ang kanyang Treo 600. Siguro, may wallpaper ng kanyang alam n’yo na. Pero teka, di ba, single ka pa ngayon Poyt? Hanap tayo.
Bago dumating si Poyt, si Rick ng Project Manila ang dumagdag sa umpukan namin nina Benj. Matagal ko nang cyberfriend si Rick at naging kapwa empleyado na rin sa Kapuso network, pero di kami masyadong nagkikita offline. Ito yata ang medyo matagal-tagal na pagkikita namin at nagkaroon pa ng pagkakataong makapagkwentuhan.
Dala-dala ni Rick ang kanyang camera kaya’t naghihintay akong makapag-upload siya para may manenok ako at maidagdag sa mga larawan dito.
Habang kumakain, ang mga dumalo ay isa-isang pinapunta ni Janette Toral–ang punong abala–sa harapan para magpakilala. Kaya naman, kanya-kanya na kaming plug ng websites. Ang Ederic@CyberSpace, Tinig.com, at UPAlumni.net lang ang binanggit ko.
Pagkatapos ng kainan at programa, lumapit sa grupo namin ang magician ng mga blogger–si Marcelle na kilala rin bilang Mister Vader–at iniabot kay Benj ang isang aklat tungkol kay Drakula. Pinapili niya si Benj ng isang pahina, at kahit hindi nakatingin ay nasabi niya kung ano ang unang salitang nakalimbag sa pahinang iyon. Asteeg talaga si Marcelle!
Nakunan din ng Ederic@CyberSpace ang cybercelebs na sina Noemi Dado at Dine Racoma kasama si Carlo Ocab ng Make Money with a 13 year old at isa pang blogger. Sina Dine at Carlo ay kasama sa “sampung pinili”. Tulad nina Janette at Connie Veneracion, sina Noemi at Dine, ay kabilang sa supermoms ng Philippine blogosphere.
May kuha rin sina Noemi at Dine kasama si Aileen Apolo–ang Binibining Google Pilipinas, o Miss Google (Earth?) Philippines, ayon kay Jehzeel Laurente–na napilitang magpalit ng suot dahil naglakad siya mula Ayala papuntang Max.
Samantala, hindi po StarStruck boys ang nasa larawan sa kanan. Sina Benj at Coy lang yan, kasama si Kevin, isa sa mapapalad na nag-uwi ng plake. Bumaba pa raw siya mula sa bundok ni Mariang Makiling dala ng dalawang kalabaw para lamang makadalo sa pagtitipon.
Sa gimik, kinumusta ko kay Kevin ang UPLB Perspective. Hindi pa raw siya nagsusulat sa campus paper na nabanggit.
Ako naman itong nasa larawan sa kaliwa kasama sina Poyt, Benj at Coy. Kuha iyan ni Rick.
May ilang mga larawan pa ako sa Picasaweb ko at nag-upload na rin si Rick–nakabalik na ang domain name niya na nawala kanina–pero kailangan ko nang matulog. Masyado nang late a bumabalik na ang sakit ng ulo ko.
Bukas ulit.
August 4 updates:
- May vlog entry si Poyt na naglalaman ng nakakaaliw na video ng mga dumalo sa EB. 🙂
- Hindi pa ako inia-add sa Orkut ni Jeff, the Fire Eye’d Boy. na kasama rin namin at nakakuwentuhan ko nang konti sa post-EB gimik. :p

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 3, 2025
BRGY S2S susugod sa Quezon City
Novaliches, ang unang susugurin ng BRGY S2S ngayong 2025.
November 28, 2024
Converge Netflix Bundle revealed
New plan offers fast internet and vast entertainment options.
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
@Coy: Cyberceleb naman! Hehe. 😀
grabe ang payat ko dito!!!!!! alarming. lol
[…] Blogs in 2008 ni Janette Toral dahil sa napakahalagang bagay — trabaho. Na-miss ko nga ang cybercelebs na nakasama ko sa parehong event noong isang taon gaya nina Benj, Shari, Ricky, Coy, Poyt, Jeff, […]
[…] been 3 weeks since Ederic had me play the game on his newly acquired Palm Treo 650. I immediately got the logic of the game, but was unsure at […]
[…] The Top 10 Emerging Influential Blogs for 2007 ♥ Political blogs in the scheme of things ♥ Pinoy CyberCelebs, nakunan ng Ederic@CyberSpace ♥ BLOGGERS, BEWARE! ♥ Influential Aftermath ♥ An Evening With Friends ♥ Did You Know […]
Hello Ederic. Maraming salamat muli sa iyong suporta sa proyektong ito. Oo nga pala. Nagsimula na rin ang Filipina Writing Project. Sana ay makasali ka rin.
@Coy: Orkut is Google’s social networking site po. Parang Friendster. Ayan, sasali na yan. 😉
Isang karangalan din na makadaupang palad ang isang vlogger na nasa Top 10. Hanggang sa susunod. 🙂
[…] Blogs of 2007 Top 10 Emerging Influential Blogs Meet-up and Awarding My First Blogger Eyeball Pinoy CyberCelebs, nakunan ng Ederic@CyberSpaceThe Top Ten Emerging Influential Blogs EB So they say I got $210.12 this week! Yey The Top 10 […]
Ano yang Orkut? Hahaha!
Isang malaking karangalan ang makilala ka kaibigang Ederic! Nawa’y muling magkrus(?) ang ating landas sa mga darating pang pagkakataon.
Mabuhay ka!
Nahirapan ako mag-Tagalog. Haha.
@Poyt: Ayan, naipagyabang ko na ang video, hehe. May Orkut ka na? 😉
@Jeff: May update rin ako tungkol sa Orkut, hehe. 😉
@Gibbs: Mukhang ok lang ang managalog, pero I prefer mag-Filipino. Kaya nga ba ako diskumpyado ako sa English-only policy ni Ate Glo, hehe. Bago ang usapang wika, add mo muna kami ni Jeff sa Orkut. 🙂
husay managalog (tama ba?), nakakabilib! mabuti naman at nagkahuntahan na tayo pagkatapos ng ilang taon ding pagkakakilanlan sa internet at email lamang. (hirap pala nito, palibhasa bicolano.) *buntong hininga.* 🙂
gogogo orkut! heheh
Uy new video up on The Top Emerging Influencial Blogs in the Phils. dinner. Whew. That was long. Check it out! 😀
Sabi nga ng mga tao sa office, may fallback career ako. Kita-kits next time. :p
At intrigero ka na rin pala ngayon ha. Naging matchmaker ka na lang sana o di kaya gumawa ka ng sidebar dito sa blog mong “personals” para maibsan naman ang pagiging single ko. Haha.
Anyway, mahahanap mo yang Brightcam sa google. 😛 Nice meeting you, Ederic! Sa susunod na gimik! 🙂
@jhay: pupunta ka ba bukas?
@atomicgirl: pagpunta mo rito, pa-EB ka. 😉
@benj: kayang kaya mong remedyuhan yan.
Dumugo ang ilong ko. Napakatatas mo.
Ang saya naman. As usual. Wala ako. hay….
Congratulations sa mga nanalo! 😀