Nahihirapan akong manood nang mahinahon ng mga balita tungkol sa mga paglubog ng mga sasakyang dagat at mga aksidenteng marami ang namamatay. Nababagbag ang damdamin ko kapag iniuulat na ang paghahanap sa mga nawawala at ang paghahanay sa mga natagpuang bangkay. Nakakawindang kapag naririnig ko ang mga hikbi at hagulhol ng mga naulila.

Labindalawang taon na ang nakalilipas, noong Mayo 16, 1995, naging biktima rin ang aking ina sa aksidenteng pagkasunog at paglubog ng M/V Viva Antipolo VII sa dagat sa pagitan ng Marinduque at Lucena. Nang matagpuan ang aking ina, wala na siyang buhay. Base sa estadistika ng Board of Marine Inquiry, maliban sa amin ay may humigit-kumulang 70 pamilya pang nagdalamhati sa tila isinumpang araw na iyon. Read more »