Bakit dapat mag-sorry?

Sana nga, totoong nagbibiro lang si Pangulong Cory Aquino nang mag-sorry siya kay Erap dahil sa naging papel niya sa pagpapatalsik sa dating pangulo noong EDSA 2.

Noong 2005, nang sabihin ni Tita Cory na pinagsisisihan na niya na nakatulong siya sa pagkakaluklok ni Gloria Arroyo sa puwesto, ganito ang bahagi ng isinulat ko:

Pero kahit naiintindihan ko ang feelings ng iginagalang na dating Pangulo, bilang bahagi ng People Power 2 ay wala akong pinagsisisihan. Katulad ng ipinaglalaban ng mga mamamayan sa mga pagkilos upang paalisin si Gloria ngayon, katotohanan at katarungan din ang sigaw natin sa EDSA at Mendiola noong 2001. Tumalikod sa interes ng masang kanyang ipinangakong pagsisilbihan — at kumita pa mula sa kanilang barya-baryang taya sa jueteng — ang noo’y nakaupong pangulo. Hindi mali at hindi dapat pagsisihan ang pagpapaalis sa kanya.

Ganyan pa rin ang paniniwala ko, kaya nga sumali ako sa grupong ito sa Facebook.

EDSA 2: isang "pagkakamali" ng Simbahan?

EDSA 2 by Erman BallecerAng paksa ng susunod kong kolum sa Pinoy Gazette ay ang EDSA 2 at ang pagkakabanggit nito sa paper na “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises” ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila.

“The CBCP statements from the year 2004 to 2008 showed the end of the era of the CBCP’s political activism, in the sense of organizing rallies, that has blurred the line separating the Church and the State. The era of political activism faded away with the passing away of Cardinal Sin,” dagdag pa niya.

Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.

Continue reading

Si Malu Fernandez at ang mga napakong pangako ni Gloria Macapagal-Arroyo

Para bang kulang pa ang lahat ng galit at panlalait na natanggap niya nang insultuhin niya noong isang taon ang mga OFW, muling humirit ang socialite at lifestyle columnist na si Malu Fernandez sa kanyang kolum sa Manila Standard Today. Ang binabanatan naman niya ngayon sa artikulong “The problem with blogging….” ay ang mga blogger at ang lumalawak na kilusan para paalisin sa pagkapangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinimulan ni Malu ang kanyang bagong obra sa pagbanggit sa kontrobersyal na blog ng isang Australyanong umibig sa isang Pilipinong socialite na sa huli ay nang-onse raw sa dayuhang lover. Dahil sa blog na ito, naalala ni Malu na minsa’y naging “hot topic” siya ng Philippine blogosphere. (Napasama sa “The Most Popular Filipino Blog Posts of 2007” ng Basapa.com ang aking Malu Fernandez post noong isang taon.)

Para lang ipaliwanag na ang isinulat niya ay hindi tungkol sa dating isyu tungkol sa kanya, kinailangan na namang mang-insulto ni Malu Fernandez ng kanyang mga mambabasa: “To those of you who are mass/volume or dense (that’s the physics formula for density to those who are clueless) again, I repeat this is not a reaction toward my past actions.” Pagkatapos, ang blogging at bloggers na ang tinira niya:

But blogging, aside from Perez Hilton and the other big time bloggers (you know who you are) is for me a slacker job or a medium and pastime for lonely people to connect. Unless you’re in bloody Siberia or in a Gulag prison, try stepping outside your comfort zone and turn off the laptop or pc, you just might find some real live people to talk to instead of typing away in cyber space.

Continue reading

Mga Pagbabalik-tanaw

Hindi ko pa naiisulat ang ederic@cyberspace noong 2007, pero sa Titik ni Ederic ay nai-post ko na ang “Mga usapin ngayong 2007” na siyang yearender ko sa aking kolum sa Pinoy Gazette.

***

Bago sumiklab ang People Power 2, dalawang artikulo tungkol sa alternative press ang isinulat ko para sa Philippine Journalism Review ng Center for Media Freedom and Responsibility:

Eto naman ang mga isinulat ko pagkatapos ng EDSA 2:

Continue reading